2 sasakyan nabangin; 2 patay, 6 sugatan | Bandera

2 sasakyan nabangin; 2 patay, 6 sugatan

John Roson |July 31,2015
facebook
share this

2 sasakyan nabangin; 2 patay, 6 sugatan

John Roson - July 31, 2015 - 05:46 PM

atok. benguet
Dalawang tao ang nasawi habang anim pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang dalawang sasakyan sa Buguias at Atok, Benguet, kamakalawa (Huwebes) ng gabi, ayon sa pulisya.

Dead on the spot sina Jay-Ar Riquardo at Mariano Lumiguid Dominguez Sr., isa sa mga sakay ng jeep na minaneho ng una, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Sugatan naman ang mga sakay din ng jeep na sina Merna Dominguez at Jay-Ar Calilao Bogar kaya dinala sa Lutheran Hospital ng Buguias.

Naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi Sitio Impugong, Brgy. Baculungan Sur, Buguias.

Minamaneho ni Riquardo ang jeep (DGG-105) mula Central Buguias nang bigla umanong magloko ang makina, kaya nahulog ang sasakyan sa bangin na humigit-kumulang 100 metro ang lalim, ayon sa ulat.

Isang oras lang bago ito, anim katao naman ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang trak sa isa pang bangin sa Km. 43, Balangabang, Brgy. Abiang, Atok, alas-6:20.

Sugatan ang driver na si Juanito Allan at mga sakay niyang sina Brenson Ababa-en; Dewey Guidawen, 25; at Jefrence Tayan, 24.

Bukod sa mga sakay na tao, kargado ng gulay ang Isuzu Elf truck (ZHU-522) nang mahulog ito sa bangin na aabot sa 10 metro ang lalim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending