Goma: Ine-enjoy ni Bea ang pagiging single! | Bandera

Goma: Ine-enjoy ni Bea ang pagiging single!

Julie Bonifacio |July 29,2015
facebook
share this

Goma: Ine-enjoy ni Bea ang pagiging single!

Julie Bonifacio - July 29, 2015 - 02:00 AM

bea alonzo

KINUMPIRMA ng aktor na si Richard Gomez ang pagiging single ngayon ng co-star niya sa pelikulang “The Love Affair” na si Bea Alonzo.

Ilang linggo nang usap-usapan sa showbiz ang balitang hiwalay na sina Bea at Zanjoe Marudo. Nauna nang itinanggi ni Bea ang tsismis na hiwalay na sila ni Zanjoe.

In fact, naglabas pa ng mga litrato na magkasama sina Bea at Zanjoe sa Europe sa isang show para sa event ng mga kababayan nating mga Pinoy doon.

Kagabi pagkatapos ng question and answer portion sa presscon ng “The Love Affair” ay nakausap namin si Richard. Tinanong namin siya kung may napansin ba siya na may pinagdadaanan si Bea habang ginagawa nila ang “The Love Affair” na ipalalabas na on Aug. 12 under Star Cinema.

“Ah, sa kwentuhan naming, naririnig ko lang ‘yung kwento-kwento nila. Pero kung anuman ‘yun, siguro ‘yung iba lumabas na rin sa dyaryo and ah, the way si Bea now, she’s doing well and she’s happy with her friends.

“Lumalabas siya, nage-enjoy siya. Tingin ko ini-explore niya ‘yung single life niya ngayon,” diin ni Richard. Ano ang mabibigay niyang advice kay Bea? “Ay, kapag humingi siya ng payo sa akin marami akong mabibigay sa kanya,” nakangiting tugon ni Goma.

Would he advise Bea na magkaroon ng partner na hindi taga-showbiz gaya nila ng loveteam niya for 25 years na si Dawn Zulueta who is married to businessman/politician Anton Lagdameo at siya naman kay Lucy Torres na dating model?

“Alam mo, ang hirap kasi nu’ng, lalo na sa babae, na ‘yung magiging asawa mo hindi taga-showbiz. Ang hirap intindihin ‘yung nakikipaghalikan ka sa ibang artista, e, may asawa ka.

Mahirap ‘yun. Mahirap i-digest. Mahirap ipaliwanag ‘yun. “Sa part naman ni Lucy at ako, kasi ako naman ‘yung lalaki, naiintindihan talaga ng asawa ko ‘yung trabaho na ginagawa ko and she loves watching my movies.

She’s a number one fan ng loveteam namin ni Dawn, e, ‘di ba,” sabi ni Richard.

Bago ito, nagsalita na rin si Bea tungkol sa break-up issue sa kanila i Zanjoe. Inamin ng aktres na may pinagdaraanan talaga sila ng kanyang boyfriend pero hindi niya diretsong sinabi na hiwalay na sila.

“Mukha ba akong in pain and broken? Okay naman ako, okay naman kami. Oo, may mga pinagdaanan. Lahat naman tayo hindi nawawala ‘yan, ‘di ba? Ang pinakaimportante doon is kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito.

We are working it out and masaya naman kami. Okay naman kami,” sabi ng Kapamilya actress.
Dagdag pa niya, “Happy naman kami.

Responsibilidad mo sa sarili mo maging happy ka.”  Samantala, inamin ni Bea na totoong lumabas sila ni Paulo Avelino, pero hindi raw yun matatawag na date.

“Lumabas naman talaga kami kasama ang mga kaibigan namin kasi meron akong mga kaibigan na mga lalaki din. Definitely, it wasn’t a date. (Magkaibigan lang kami ni Paulo) and marami naman akong ibang kaibigan,” paliwanag niya.

At alam din daw ni Zanjoe ang tungkol dito. Kung matatandaan nagkasama sina Paulo at Bea sa seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon noong 2014.

Meanwhile, puro papuri naman ang ibinigay nina Richard at Dawn Zulueta kay Bea bilang co-star nila sa “The Love Affair”.

Naniniwala ang dalawa na malayung-malayo pa ang tatakbuhin ng career ng aktres dahil sa natural talent nito sa akting.

Sa trailer pa lang ng movie ay kitang-kita na ang galing ng tatlong bida at ang ganda ng kuwento, kaya we also believe na maraming manonood dito kahit na nga may tema na naman ng kabitan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito rin ang magsisilbing reunion project nina Dawn at Richard na matagal nang inaabangan ng kanilang mga loyal fans.

Ang “The Love Affair” ay sa direksiyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Vanessa Valdez showing on Aug. 12 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending