Vice pinahanap ang Pabebe Girls: Nakilala ko na sila! | Bandera

Vice pinahanap ang Pabebe Girls: Nakilala ko na sila!

Ervin Santiago |July 18,2015
facebook
share this

Vice pinahanap ang Pabebe Girls: Nakilala ko na sila!

Ervin Santiago - July 18, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Tuwang-tuwa si Vice Ganda nang makilala na niya nang personal ang online sensation na “Pabebe Girls” na talagang pinahanap niya para isali sa bago niyang music video titled “Wag Kang Pabebe”.

“I’m really so excited to meet them lalo na silang dalawa, gusto ko lang sila ma-meet, gusto kong makita kung ano hitsura nila sa personal, kung gaano siya kaliit, ang liliit niya talaga nakakatuwa,” chika ni Vice sa isang TV interview.

“Kaya gusto ko silang makilala eh para makilala ko kung ano talagang ganap nila sa buhay, kung anong klaseng mga bagets sila kasi isang side lang naman ‘yung nakita natin sa video, ‘yung paglalaro nila sa video, ‘yung pagtataray-taray nila sa video kaya gusto ko silang makilala,” sey ng TV host-comedian.

Bukod sa MTV, aapir din ang “Pabebe Girls” sa Gandang Gabi Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending