Tulong sa may kapansanan kulang —Romualdez | Bandera

Tulong sa may kapansanan kulang —Romualdez

Leifbilly Begas |July 14,2015
facebook
share this

Tulong sa may kapansanan kulang —Romualdez

Leifbilly Begas - July 14, 2015 - 02:45 PM

martin romualdez

“GUBANIKO” ang tawag kay Marjo Lardera, isang taong ipinanganak na walang mga kamay pero nakakapagkumpuni ng mga electronic gadget at maliliit na kasangkapan sa bahay gamit ang kanyang mga paa.

Hindi naging hadlang kay Lardera ang kanyang kapansanan na nagtapos sa Professional Electronics Institute Inc. sa Iloilo City at nabigyan ng sertipikasyon ng Technical Education and Skills Development Authority na patunay sa kanyang kakayanan.

Ang mga tulad ni Lardera ang nais na tulu-ngan ng House Bill 1039 na akda ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Noon pang Disyembre 2014 inaprubahan ng Kamara ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa na naglalayong huwag nang singilin ng Value Added Tax ang mga taong may kapansanan o persons with disabilities pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naisasabatas.

Sinabi ni Romualdez na may kaparehong pribilehiyo na ibinibigay sa mga senior citizen sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act, at wala umano siyang nakikitang dahilan upang hindi rin ito ibigay kay Lardera at sa mga gaya niyang PWD.

“Nakita natin na parang similarly situated din sila (PWDs) sa mga senior citizens. ‘Di ba yung senior citizens matanda na hindi na pwedeng magtrabaho ganun din yung mga people with disability.

May mga gastusin sila – medication, wheelchair at iba pa,” ayon kay Romualdez sa isang panayam ng Inquirer Bandera.

Giit ni Romualdez, na nasa ikatlo at huling termino bilang kongresista, na maliit na porsyento lamang umano ang mga PWDs sa populasyon ng bansa “kaya hindi naman malaki ang epekto nito sa koleksyon ng buwis ng gobyerno”.

Sa 100 milyong populasyon ng bansa tanging 1.5 porsyento lamang nito ang bumubuo ng mga gaya ni Lardera at mga kapwa niya PWD.

Paliwanag ni Romualdez ang mga senior citizen ay nakatatanggap ng P20 discount o 20 porsyento sa bawat P100 na kanilang binibili o binabayarang serbisyo samantalang ang mga PWD ay P12 lamang sa bawat P100 dahil merong VAT na ipina-pataw sa kanila.

Kung magiging batas, gagawin itong probisyon ng Magna Carta for Persons with Disabilities. Ayon kay Romualdez hindi dapat ituring na kawalan ang mga PWD dahil marami sa mga ito ay kayang makapagtrabaho kung mabibigyan ng pagkakataon o oportunidad.

“Di ba sinasabi na yung isang mansanas kung hindi na pwede itong part na to na nabulok, there is still a good side. Yung challenge nyan, how do you get the good side, how do you get the best part of this individual,” dagdag pa ni Romualdez na lider ng independent bloc sa Kamara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Senado ay inihain ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang kaparehong panukala.
Tinututulan ng Department of Finance ang panukala dahil subsidy umano ang dapat na ibigay sa mga taong may kapansanan at hindi exemption sa VAT na nais ng panukala ni Romualdez.

Aabot umano sa P1.12 bilyon kada taon ang mawawalang kita ng gobyerno kung maisasabatas ang panukala. Posible rin umanong magkaroon ng leakage na magpapalaki sa mawawalang kita ng gobyerno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending