Horoscope, July 07, 2015 | Bandera

Horoscope, July 07, 2015

Madam Sophia |July 07,2015
facebook
share this

Horoscope, July 07, 2015

Madam Sophia - July 07, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag isiping mahihirapan kang makahanap ng puhunan sa negosyong noon mo pa binabalak. Sa panahong ito ng tag-ulan, kusang may mag-aalok upang masimulan mo na ang nasabing negosyo. Tanggap lang ng tanggap at laging magpasalamat. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi dapat makipagkumpetensya sa mga kapit-bahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang upang umunlad. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo, “Wag kang mainggit, magkakaron din tayo nyan!” Mapalad ang 6, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Masusolusyunan ang probema kung hindi mo na uulitin ang dating mga pagkakamali. Maging maingat sa pagpili ng kososyo at ng kaibigan. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” White at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Konsentrasyon ang susi para magtagumpay. Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate sa produktong pagkain. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat na ka-relasyon makuntento sa isang Libra. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Om”. Red at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Wag umasa sa biglang suwerte. Kung hindi ka magsisipag, paano ka makakaahon sa kahirapan? Upang kumita ng malaking halaga gawing inspirasyon ang minamahal. Mapalad ang 7, 15, 24, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Orange at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag kimkimin ang lungkot na nadarama. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kakuwentuhan. Sa pinansiyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Isang malaking sopresang ang darating may kaugnayan sa salapi. Kapag maraming pera kailangang lalo pang magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Wag regaluhan ng mamahaling bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga yong kayong dalawa lang sa tahimik at pribahong lugar. Sa pinansyal, tandaang ang nagagawa ng pag-ibig ay hindi kayang gawin ng pera. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 33, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag makinig sa mungkahi ng iba. Sa sariling diskarte kikita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig sundin ang tinitibok ng puso upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Doysa-Om.” Beige at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ng magplano ng kung ano-anong bagay. Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinagplanuhang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero kung hindi ka magtitipid agad din itong mauubos. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Magenta at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang pagiging matapat ang magbibigay ng pag-unlad. Sa negosyo, laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Duraga-Om!” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Mahirap talagang maperfect ang isang relasyon, wala naman kasing perpektong tao. Makuntento na lang sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Blue at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo rin ang lahat ng iyan. Sa pinansiyal, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Gemini. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna.” Red at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending