Rhian Ramos: OK lang tumandang dalaga! | Bandera

Rhian Ramos: OK lang tumandang dalaga!

Ervin Santiago |July 06,2015
facebook
share this

Rhian Ramos: OK lang tumandang dalaga!

Ervin Santiago - July 06, 2015 - 02:00 AM

rhian ramos

HINDI big deal kay Rhian Ramos kung tumanda man siyang dalaga. Kung yun daw ang magiging kapalaran niya ay maluwag sa dibdib niya itong tatanggapin.

Pero sa ngayon ine-enjoy lang niya ang buhay kasama ang kanyang family at boyfriend na car racer. Hindi naman daw kasi natin kontrolado ang mga bagay-bagay sa mundo kaya mahirap ang may expectations, lalo na pagdating sa pag-ibig.

Aniya pa, wala raw siyang nakikitang masama sa pagiging old maid, tulad din ng pananaw niya sa pagiging bading o tomboy. Lesbian ang role niya sa seryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA at inamin niyang napakarami nilang natututunan ni Glaiza de Castro sa bawat eksenang ginagawa nila sa serye, kabilang na diyan ang pakikipaglaban sa iyong mga katapatan.

Samantala, narito ang kailangan n’yong abangan ngayong gabi sa The Rich Man’s Daughter: Hihilingin ni Pearl (Pauleen Luna) kay Gabriel (TJ Trinidad) na umalis sila ulit to have a second honeymoon, pero gagawa ng excuses ang lalaki para hindi sila umalis.

Gusto ni Jade makipag-usap kay Althea para ayusin ang problema nila, but Althea wants to just lie with her. Oscar (Al Tantay) tells Amanda (Glydel Mercado) na umaayos na ulit ang buhay nila, dahil magkaka-apo na sila–sa lahat ng mga anak nila.

Mapipilitan si Gabriel aminin kay Pearl ang totoo–na buntis si Angeline (Charee Pineda). Gabriel tells Pearl na wala siyang balak makipaghiwalay ulit–pero hindi niya itatatwa ang magiging anak niya kay Angeline.

Sa paghihiwalay ulit nina Althea at Jade for a new round ng pagpapanggap, Wila asks her ex-girlfriend kung kaya pa ba nito ang ginagawa nila ni Jade.

Tatawag na naman si Gerald kay Paul (Mike Tan), and Paul rejects the call – sasabihan siya ni Sally (Sheena Halili) na ‘wag na niyang i-pursue ang relationship na hindi naman magugustuhan ng pamilya; na doon na lang siya sa safe, pertaining to herself.

Susugurin ni Pearl si Angeline para i-confront about her pregnancy. Pearl tells Angeline na kung ano man ang kailanganin nito sa pagbubuntis, siya ang lalapitan at hindi si Gabriel.

Makakaisip si Jade ng paraan to use the honeymoon trip para lalong makasama si Althea. Sasabihin naman ni Oscar na fail ang honeymoon trip plan nito. Saka mare-reveal na ka-meeting ni Oscar si Tommy (Paolo Contis).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending