Enchong ililibot ang ‘Dee Tour’ concert sa buong mundo | Bandera

Enchong ililibot ang ‘Dee Tour’ concert sa buong mundo

Reggee Bonoan |July 05,2015
facebook
share this

Enchong ililibot ang ‘Dee Tour’ concert sa buong mundo

Reggee Bonoan - July 05, 2015 - 02:00 AM

enchong dee

SOLDOUT ang “DeeTour” concert ni Enchong Dee kaya pala wala nang naibigay na tickets sa mga kaibigan niya sa press na gustong manood sa unang gabi ng show noong Biyernes sa Music Museum.

Tuwang-tuwa ang aktor dahil successful ang kanyang unang major concert na siya mismo ang nag-produce, balak din daw nilang ilibot ito sa buong Pilipinas, maging sa ibang bansa.

Marunong humawak ng kinikita niya si Enchong sa tulong ng magulang kaya inumpisahan na niyang mag-produce ng sariling shows niya.

Samantala, patuloy na mapapanood si Enchong sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito tuwing Linggo kasama si Richard Yap.

Sa episode tonight, ibubunyag ni Chairman Tan (Richard) na si Diego (Enchong) ang magiging susunod na Kung Fu Chinito kaya sasailalim ang aktor sa isang pagsasanay upang matutunan niya kung paano gamitin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanya.

Tatanggapin ba ni Diego ang responsibilidad ng isang tagapagligtas kung ang kahulugan nito ay malalagay niya sa panganib ang buhay niya?

Matutunan niya kaya na gamitin sa wasto ang kapangyarihan na ipapasa sa kanya ni Chairman Tan? Kasama rin nina Richard at Enchong sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo ast direksyon ni Erick Salud.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending