Babala kay Claudine: Dapat mag-ingat siya, dahil huling baraha na niya 'yan! | Bandera

Babala kay Claudine: Dapat mag-ingat siya, dahil huling baraha na niya ‘yan!

Cristy Fermin |July 04,2015
facebook
share this

Babala kay Claudine: Dapat mag-ingat siya, dahil huling baraha na niya ‘yan!

Cristy Fermin - July 04, 2015 - 02:00 AM

claudine barretto

Malaking timbang na ang nawawala ngayon kay Claudine Barretto. Pero hindi pa masaya du’n ang nagbabalik-pelikulang aktres, kailangan pa raw niyang mag-diet, ayaw raw niyang mapahiya sa publiko sa muli niyang pagsalang sa harap ng mga camera.

Masayang-masaya naman ang mga tagasuporta ni Claudine na hindi bumitiw ng katapatan sa kanya dahil may bago na siyang pagkakaabalahan ngayon. Hindi na puro hearing lang sa mga kasong isinampa niya laban kay Raymart Santiago.

Sabi ng isang kausap naming propesor, “Sabi na nga ba, isang araw, e, magigising din si Claudine, maiisip din niya ang importance ng mga sinasayang niyang panahon. Ito na ‘yun!

“Sayang na sayang ang career niya, hindi naman siya basta-basta artista, naging successful siya. Kundi pa niya maiisip ngayon ang pagbabalik sa trabahong minahal niya, e, kailan pa mangyayari ‘yun?” tanong-opinyon ng aming kaibigan.

Malaking-malaki ang nawala kay Claudine mula nang masira ang kanilang relasyon ni Raymart Santiago. Sa kinikita na lang niya nu’n sa paggawa ng mga TV commercial ay puwede na siyang magbuhay-reyna.

Kumawala sa kanyang mga palad ang oportunidad dahil sa digmaan nila sa korte ni Raymart, nabahiran ang kanyang imahe, hanggang sa tuluyan nang malugmok ang kanyang pinaghirapang career.

Pero ang mahalaga ay nandito na siya uli, binalikan na niya ang mundong mahal na mahal niya, na sana’y mahalin niya pabalik dahil binigyan pa uli siya ng ikalawang pagkakataon.

Markadong linya ng isa naming kaibigan, “Ito na ang huling baraha ni Claudine, pag-ingatan na sana niya, sayang na sayang ang chance na ito kapag pinabayaan pa niya.”

Tama!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending