Kailan makapag-aasawa? (2) | Bandera

Kailan makapag-aasawa? (2)

Joseph Greenfield |July 03,2015
facebook
share this

Kailan makapag-aasawa? (2)

Joseph Greenfield - July 03, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Guianelly ng Gayonga, Midsayap, Cotabato

Problema:

1. April 7, 1975 ang birthday ko at nitong nakaraang birthday ko, eksaktong 40 na ang edad ko subalit ang labis kong pinagtataka until now, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Gusto ko na sanang mag-asawa, hanggat nagkakaroon pa ako para magka-baby.

2. Sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aasawa pa kaya ako at kung makapag-aasawa kailan naman ito mangyayari? At kung sakaling makapag-asawa, magkaka-baby pa kaya kami at kung lalaki ba o babae ba ang una naming magiging baby.

Umaasa,
Guianelly Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang iyong magiging kaibigan sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Setyembre. Kung saan, ang pagkakaibigang ito ay hahantong sa isang matimyas at pang habang buhay na pagmamahalan.

Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 2, 20 o kaya’y 13 ang iyong mapapangasawa at siya ay halos kasing edad mo rin, maaaring ang edad nya ay 40 o kaya’y 41 na malapit na ring tumandang binata.

Luscher Color Test:

Mapalad ka naman sa kulay pula at berde Iyan ang lagi mong gamiting kulay, upang sa pag-ibig at sa lahat ng larangan ng iyong buhay, tuloy-tuloy kang suwertehin at patuloy namagkaroon ng mas magaganda at mabubuting kapalaran.

Physiognomy:

Upang tuloy-tuloy ka ng makapag-asawa at magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya, mas mainam kung magpapahaba ka ng buhok sa halip na maikli. Sa mahabang buhok, isang masaya at pang habangbuhay na pag-ibig ang darating.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Guianelly ayon sa iyong kapalaran, kahit 40 na ang edad mo sa kasalukuyan, siguradong makapag-aasawa ka parin at ang relasyong mabubuo hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na R. C. ay magsisimula sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre, upang pagsapit ng susunod na taong 2016, sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa edad mong 41 pataas, isang masaya kasalanan ang magaganap, na paglipas ng mga isa hanggang dalawang taon pa ay bibiyayaan ng isang malusog at cute na babaing supling na lalo pang kukumpleto at magpapasaya sa pagsasama ng iyong pamilya habangh buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending