Ruru may nagawang kasalanan kay Gabbi | Bandera

Ruru may nagawang kasalanan kay Gabbi

Ervin Santiago |July 02,2015
facebook
share this

Ruru may nagawang kasalanan kay Gabbi

Ervin Santiago - July 02, 2015 - 02:00 AM

ruru madrid

SINORPRESA ni Ruru Madrid ang ka-loveteam sa Let The Love Begin na si Gabbi Garcia ng isang bouquet of red roses kahapon.
Ikinagulat ng dalaga ang regalong ito ni Ruru.

Ayon sa binata, nagkaroon sila ng maliit na tampuhan ni Gabbi kaya bumawi ito sa ginawang kasalanan at binigyan niya ng bulaklak si Gabbi.

“Ang sweet niya kasi bumawi siya. How thoughtful of him. Gusto niyang iregain ang sarili niya dahil nagtatampo ako sa kanya,” pahayag ni Gabbi.

Samantala, isa pang sorpresa ang nakuha ni Gabbi dahil noong Linggo ay sinelebreyt ng kanyang fans club na Gabbified ang kanilang first anniversary.

Mula sa isang show sa Tacloban, ay dumirecho si Gabbi sa McDonald’s Panay, Avenue upang makasama ang kanyang loyal fans at supporters.

Tuloy-tuloy pa rin ang taping nina Ruru at Gabbi para sa Let The Love Begin na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad after Pari ‘Koy, at masayang-masaya sila dahil sa suporta ng manonood at netizens sa kanilang programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending