Ai Ai ipinahahanap si Jiro: Financial assitance, moral support ibibigay sa 'anak' | Bandera

Ai Ai ipinahahanap si Jiro: Financial assitance, moral support ibibigay sa ‘anak’

|July 01,2015
facebook
share this

Ai Ai ipinahahanap si Jiro: Financial assitance, moral support ibibigay sa ‘anak’

- July 01, 2015 - 01:05 PM

HANDANG tulungan ng Let The Love Begin lead star na si Ai Ai delas Alas ang dating award-winning child star na si Jiro Manio. Kahapon, ipinahahanap na ng Comedy Queen si Jiro para bigyan ng financial assistance at moral support sa kinasasadlakan nitong problema. Nakarating kay Ai Ai ang balita tungkol sa nangyari kay Jiro sa NAIA kung saan ito nagagala-gala ng tatlong araw. Wala sa sarili, gutom na gutom at marungis daw ang aktor nang matagpuan ng mga security guards sa airport na siyang kumalinga sa kanya ng halos three days. Kanina pinahanap na ng Comedy Queen ang binatang ama para matulungan. Nag-post pa nga siya sa kanyang Instagram account at sinabing, “Gusto ko po syang tulungan. Pinapahanap ko na sya ngayun. Comment here pag meron kayong info about him…GOD BLESS!” Naging malapit sa komedyana si Jiro dahil isa ito sa mga gumanap na anak niya sa pelikulang “Ang Tanging Ina”. In fairness, gusto lang sigurong ibalik ni Ms. A ang blessings niya sa kanyang kapwa, lalo na ang patuloy na pagsuporta ng manonood sa serye nilang Let The Love Begin sa GMA Telebabad kung saan kasama rin niya ang sikat na sikat na ring loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending