Aga babalik na rin sa ABS-CBN kaya kinakarir ang pagpapaseksi | Bandera

Aga babalik na rin sa ABS-CBN kaya kinakarir ang pagpapaseksi

Julie Bonifacio |July 01,2015
facebook
share this

Aga babalik na rin sa ABS-CBN kaya kinakarir ang pagpapaseksi

Julie Bonifacio - July 01, 2015 - 02:00 AM

bayani agbayani

NILINAW ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang isyung binabato sa kanya sa pagbabalik niya sa ABS-CBN. Iniintriga kasi siya sa bigla niyang pag-alis sa TV5. Kinausap daw niya ang executive ng TV5 at ninang din niya sa kasal na si Wilma Galvante.

“Sabi ko, ‘Nang, gusto ko nga pong makakontrata sa inyo. Kaya lang po syempre ginagalang ko naman po ang desisyon ninyo na hindi ninyo ako kunin as contract star.

Syempre prerogative ninyo po ‘yun. Pero may binibigay din po sa akin ‘yung ABS na show kaya pumunta na po ako doon. E, syempre, medyo sumama ang loob niya,” paliwanag ni Bayani nu’ng magkita kami sa It’s Showtime last Monday.

Si Robin Padilla raw ang kumuha sa kanya sa 2 ½ Daddies na huli niyang show sa TV5. That time, may natanggap na si Bayani na text from ABS-CBN’s executive na si Liggit Tan tungkol sa show na ibibigay sa kanya.

“Sabi ko, ‘Noe,’ pinakita ko sa kanya ‘yung text sa akin ng ABS. Sabi ko sa kanya kinukuha ata ako ng ABS. October po ito last year. Sabi niya sa akin, ‘Hangga’t wala ka pa, gamitin muna kita, ha.’ ‘Hindi,’ sabi ko. ‘Okey lang ‘yun.’

“Tapos ako naman nu’ng first day ng taping namin sa 2 ½ Daddies tinawagan na ako. Kaya pumunta na agad ako kay Binoe, nagpaalam ako doon sa EP (executive producer), sa director.

Sinabi ko po, tinawagan na ako ng ABS,” lahad niya. Then, nagkita sila ni Wilma sa birthday party ni Regine Velasquez sa clubhouse ng tinitirhan nilang subdivision malapit sa Celebrity Sports Plaza nu’ng April this year.

“Niyakap ko si Ma’m Wilma. Sinabi ko po sa kanya, ‘Nang, pasensya ka na. Sayang naman po ang opportunity na dumating sa akin para rin naman po sa pamilya ko at para rin po sa akin.’ Sabi niya, ‘O, meron ka na bang project?’ Sabi ko, ‘Meron na po.’ ‘Very good. Sige, mag-ingat ka,’ sabi niya. Okey na kami.

Niyakap ko siya. Hindi ko siya pinakawalan,” kwento pa ni Bayani. Kung mapapansin daw lahat ng show niya sa TV5 ay ang mga kaibigan niyang artista ang kumukuha sa kanya gaya nina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid at Aga Muhlach.

“Pero pasalamat na rin po ako sa TV5 kasi kung hindi naman sila aayon, hindi naman matutuloy ‘yun. And besides, si Ninang Wilma ang tumutulong para makapasok ako sa mga show doon. Siya ang umoo,” aniya.

Kaya tahasang masasabi ni Bayani na wala raw talaga siyang kontrata sa Singko. “Nu’ng minsan nga, naawa nga ako sa nanay ko, e. Nagkaroon ng countdown sa Circle.

Sabi niya sa akin, ‘Anak, may countdown ang Singko sa Circle ngayon, bakit wala ka doon?’ Sabi ko naman sa nanay ko, ‘Nang, hindi ata ako TV5, e, kasi hindi naman ako part noon.”

Hanggang sa nakapag-guest na siya sa Deal or No Deal. And then, ang bago niyang show na Funny One na dapat daw ay isang regular show sa Dos. Pero isinama na sa It’s Showtime dahil baka hindi raw tumayo ang show.

Syempre, happy si Bayani na balik hosting siya sa isang noontime show. “Niyakap ko ang mga anak ko. E, kasi nagba-Bible Study kami sa bahay nila. Kapag Wednesday sa bahay kami nina Ogie.

Tapos ‘pag Saturday kina Direk Bobot (Mortiz). Kaya sabi ko sa sarili ko, kapag tama ang ginagawa mo sa buhay, tama rin ‘yung darating na blessing para sa ‘yo.”Nagkita na rin daw sila ni Sharon sa ABS.

Biro namin kay Yani, mukhang sinusundan niya si Mega. “Ha-hahaha! Nu’ng pumunta ako ng TV5 nandoon din siya. Ngayong nandito na siya, dito naman ako. Si Aga papunta na rin.

Gagawa na po siya ng movie sa Star Cinema. E, pero nagpapayat pa siya. Wala pa ‘yung TV. Movie muna siya,” sabi pa ni Bayani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagbabalik ni Bayani sa Dos, feeling niya this is where he really belongs. Parang nagbakasyon lang daw siya and then pagpasok niya ng bahay ay mas relax na siya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending