Pauleen Luna nagmula sa mayamang pamilya, may-ari ng mga gasolinahan | Bandera

Pauleen Luna nagmula sa mayamang pamilya, may-ari ng mga gasolinahan

Cristy Fermin |June 29,2015
facebook
share this

Pauleen Luna nagmula sa mayamang pamilya, may-ari ng mga gasolinahan

Cristy Fermin - June 29, 2015 - 02:00 AM

vic sotto

Bakit ganu’n, reaksiyon ng aming PA na si Tina Roa, ang laki-laki ng itsura ni Pauleen Luna sa TV pero sa personal naman ay hindi siya ganu’n kataba?

Nakakuwentuhan kasi namin ang actress-TV host sa bonggang birthday party ni Sam, anak ng mga kaibigan-anak-anakan naming sina Zaldy at Thesa Aquino, isa si Pauleen sa mga nagbigay ng regalo sa stage sa seventh birthday ng aming apo.

Ang ganda-ganda pa rin ni Pauleen, hindi na niya kailangan pang sabihin na maligayang-maligaya siya sa piling ni Bossing Vic Sotto, ang mismong aura na niya ang sisigaw tungkol du’n.

Nasubaybayan namin ang kanyang paglaki dahil kaibigan namin ang kanyang Lola Lita Luna, nakaririwasang pamilya sa Valenzuela ang kanyang angkan, sila ang may-ari ng mga gasolinahan sa aming siyudad.

‘Yun ang dahilan kung bakit nalulungkot kami kapag may mga bashers na nagsasabing pera lang ni Vic Sotto ang habol ni Pauleen, huwag naman sana nilang saktan ang dalaga, dahil sanggol pa lang siya ay naka-aircon na.

Kung may pera si Vic ay meron din ang pamilya ni Pauleen, magkakatalo na lang ‘yun sa kung sino ang higit na mas may pera sa kanila, kaya huwag palalabasing mukhang pera ang aktres.

Hindi lang siya kumikibo pero siyempre’y napakasakit ng ganu’ng bintang sa kanya, kundi nga niya minahal nang todo si Bossing Vic Sotto, siguro nga ay sumuko na rin si Pauleen sa mga patutsadang walang basehan na ibinabato laban sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending