Dennis kay Kris: Sumama talaga ang loob ko sa 'yo! | Bandera

Dennis kay Kris: Sumama talaga ang loob ko sa ‘yo!

Ervin Santiago |June 27,2015
facebook
share this

Dennis kay Kris: Sumama talaga ang loob ko sa ‘yo!

Ervin Santiago - June 27, 2015 - 12:31 PM

dennis padilla

DIRETSAHANG sinabi ni Dennis Padilla kay Kris Aquino na sumama ang loob niya sa TV host-actress nang magkomento ito tungkol sa relasyon nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa interview kay Dennis ng Aquino & Abunda Tonight, natanong siya kung may balak ba siyang imbitahan si Julia at iba pa niyang anak sa dating partner na si Marjorie Barretto sa premiere night ng bago niyang pelikula na The Breakup Playlist.” Ang tugon ng komedyante, huwag na lang daw dahil baka masaktan lang siya kung hindi pupunta ang mg ito. Dagdag pa ni Dennis, hindi rin siya in-invite ni Julia na manood noon sa premiere night ng first movie nito na “Para Sa Hopeless Romantic.” Dito na nag-comment si Kris na mabuti na rin na narinig nila ang side ni Dennis tungkol sa relasyon nila ngayon ni Julia, lalo na ang isyu ng pagpapalit ng apelyido ng dalaga at isa pa niyang anak kay Majorie. Ayon kay Dennis, hindi pa rin daw kasi inuurong ni Julia ang petisyon nito sa korte na papalitan na ng Barretto ang apelyido niyang Baldivia. “Narinig ko nga ‘yung comment mo noon, eh. Sumama nga loob ko sa ‘yo noon,” sey ni Dennis kay Kris. “Buti nalang kakampi ko si Kuya Boy (Abunda) noong mga oras na ‘yon!” dagdag pa nito. Ang natatawa namang sagot ni Tetay, “Peace na nga tayo ngayon! Pinuri na nga kita na hindi ka nagpaka-plastic! Ginagawa lang namin ‘yan (pagkontra kay Boy)) para balanse.”
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending