Wansapanataym nina Enchong at Richard humataw agad sa rating | Bandera

Wansapanataym nina Enchong at Richard humataw agad sa rating

Ervin Santiago |June 27,2015
facebook
share this

Wansapanataym nina Enchong at Richard humataw agad sa rating

Ervin Santiago - June 27, 2015 - 02:00 AM

ENCHONG DEE AT RICHARD YAP 0619

Kumapit na agad ang buong sambayanan sa kasisimula pa lamang na Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito na pinagbibidahan ng Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee.

Base sa datos mula Kantar Media noong Linggo (Hunyo 21), humataw ang pilot episode ng My Kung Fu Chinito ng national TV rating na 31.1%, o mahigit 13 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na Ismol Family (17.6%).

Samantala, tiyak na mas lalong mahu-hook ang TV viewers sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito sa pagtuklas ni Chairman Tai (Richard) na si Diego (Enchong) ang itinakdang maging susunod na Kung Fu Chinito.

Paano magbabago ang buhayni Diego kapag nalaman niyang siya ang tagapagmana ng mga kapangyarihan ng iniidolo niyang superhero? Matutunan niya kaya itong gamitin sa tama o sa masama?

Kasama rin dito sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia at Clarence Delgado. Ito ay sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo, sa direksyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending