JAMES BLANCO pinagsasakal ang asawa, sinaniban daw | Bandera

JAMES BLANCO pinagsasakal ang asawa, sinaniban daw

|August 14,2012
facebook
share this

JAMES BLANCO pinagsasakal ang asawa, sinaniban daw

- August 14, 2012 - 06:04 PM

May mga ligaw na kaluluwa sa dating bahay
Puro dwende naman sa nilipatang apartment

ISA si James Blanco sa cast ng “Guni-Guni” ng Regal Entertainment na idinirek ni Tara Illenberger at inamin niyang nilisan nila ang bahay nila sa BF Parañaque dahil sa mga ligaw na kaluluwa roon.

Ito’y sa kabila nga ng pagpapa-bless nila sa bahay.

Sa presscon ng nasabing pelikula ay ikinuwento ni James na muntik na raw niyang mapatay sa sakal ang kanyang asawa dahil nga ang nakikita niya ay ibang tao na hindi niya masabi ang itsura.

“Yung nire-rent namin sa BF dati sa kuwarto namin, may nakita talaga akong ibang tao, hindi ako pumipikit at minamasdan ko lang siya, akala ko guni-guni ko lang, pero totoo, nasa tabi ko na at tinatawanan na ako kaya sinakal ko. “Buti na lang ‘yung presence of mind ko gumana, na inisip kong asawa ko lang ‘yung kasama ko sa kuwarto.

Tapos nalaman ko, wife ko na pala ‘yung sinasakal ko.

“Pina-bless namin ‘yung bahay kasi baka ako lang ang nakakakita, pero ‘yung driver ko, ‘yung tito ko, same kami ng nakikita, ‘yung tito ko, inapakan sa dibdib, hindi nakahinga, tapos ‘yung wife ko nakita niya biglang gumalaw ‘yung cabinets namin tapos naglaglagan yung mga hanger, e, wala namang source ng hangin ‘yung kuwarto, wala ako that time, nasa taping ako.

“So, lumipat na kami ng bahay, ‘yung nilipatan naman namin, may mga duwende naman pero mababait sila.

Hindi naman kami ang nakakikita.

“Nakita ng manghihilot namin kasi nagpahilot ako nang naipitan ako ng ugat sa paa, so everytime na pumupunta sa akin ‘yung manghihilot, hinihingal siya at hindi siya makahinga tapos sabi nga niya, ‘James may nakikita akong duwende, walang itim puro puti tatlo sila.

“Sa akin naman okay lang kasi hindi naman sa akin nagpaparamdam.

Sa mga yaya, the other day, biglang  nabuksan daw ‘yung TV sa kuwarto, ‘yung yaya nagsisigaw tumakbo uuwi na raw ng probinsiya, natakot na! Hindi na raw siya babalik doon,” kuwento pa ng aktor.

Hindi na raw pinatawas ng aktor ang nilipatang bahay nila ngayon, “Hindi naman kasi kami nagkakasakit, hindi naman kami sinasaktan, okay naman kami, so wala namang dahilan.

“Ang paniniwala ko kasi as long as hindi naman kami inaano, at hindi rin namin sila ginugulo, so siguro wala silang gagawing masama,” katwiran ng aktor.

“May sarili silang mundo, so huwag na lang natin silang pakialaman, so baka the more na pakialaman sila, baka magalit pa sila lalo sa amin.

“Kasi ‘yung bahay na (nilipatan nila) ‘yun, matagal na silang nandoon, tapos kami kalilipat lang, so bantay sila.” sabi pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala,  maraming nagsasabing may third eye si James pero ayaw daw niya itong ipabuksan, “Ayokong buksan kasi nakakatakot, eh!” seryosong sabi pa sa amin ni James.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending