Sharon sa pagpapa-sexy ni KC: Tama na...nasasaktan na ako! | Bandera

Sharon sa pagpapa-sexy ni KC: Tama na…nasasaktan na ako!

Ervin Santiago |May 29,2015
facebook
share this

Sharon sa pagpapa-sexy ni KC: Tama na…nasasaktan na ako!

Ervin Santiago - May 29, 2015 - 06:53 PM

KC OCNCEPCION

KC OCNCEPCION ( PHOTO MULA SA FACEBOOK)

HINDI napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na maglabas ng tunay niyang emosyon sa pagpapakita ng halos hubad ng katawan ng anak na si KC Concepcion sa kanyang mga pictorial.

Ayon kay Sharon, hindi na kailangang gawin ni KC ang mga ganitong bagay para sa kanyang career. Masakit daw ito para sa isang inang tulad niya.

Sa kanyang Facebook account inilabas ni Mega ang tunay niyang nararamdaman sa mga pinaggagagawa ni KC, itoy matapos ngang magtanong ang isa niyang follower tungkol dito.

Isang larawan ni KC na naka-bra at may patong na coat to pair with matching trousers and boots ang ipinost ng nasabing netizen na pinaniniwalaang kuha sa culminating activity ng G-Force para sa kanilang summer workshop sa MOA Arena.

Ang unang komento ni Sharon, “I really honestly would rather not say anything. But I also really honestly would have to say I do not like that she has done this and other unnecessary too-sexy poses.”

Sabi pa ni Sharon, hindi ito ang unang pagkakataon na na-shock siya sa mga pictorial ng anak.

Aniya, “Sorry pero nanay ako… May mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat. Well, she’s an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, di magkulang sa paalala… Sana lang din tama na yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending