‘Pasion de Amor’ gwardyado ng MTRCB | Bandera

‘Pasion de Amor’ gwardyado ng MTRCB

Julie Bonifacio |May 30,2015
facebook
share this

‘Pasion de Amor’ gwardyado ng MTRCB

Julie Bonifacio - May 30, 2015 - 03:00 AM

CAST NG 'PASION DE AMOR'

CAST NG ‘PASION DE AMOR’

As far as we know, last year pa lang ay sinusulat na namin ang tungkol sa remake ng foreign telenovela na Pasion de Amor sa Kapamilya network. In fact, we even wrote na ang magbibida sa local version nito ay sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Ejay Falcon at Jake Cuenca.

Pero sa remake ng Pangako Sa ‘Yo napunta si Angelica at si Cristine naman ay nanganak. Ang nanatili na lang sa cast ay sina Ejay at Jake. At pumasok na nga sina Arci Muñoz, Joseph Marco Coleen Garcia at Ellen Adarna.

Ang aktor na si Eric Quizon ang direktor ng Passion de Amor na magsisimula na sa Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN bago mag-TV Patrol. Ayon kay Direk Eric, it took them 10 months para sa preparations for the show.

“Pumasok ako sa Pasion de Amor July, 2014. Casting alone, para mabuo namin ang anim na ‘to, it took a long time. Kumbaga, ang dami nang pinagdaanan ng casting to get the perfect three couples. Kasi una sa lahat, individually kasi pwede mong makuha, e. Kaya lang ang mina-match mo rito three sisters and three brothers. So, kailangan mahulma mo ‘yung mga pares na ‘yun, e,” lahad ni Direk Eric.

Happy daw sila sa cast na may iba’t ibang kaseksihan na ilalabas on screen.

“So, as far as in that category is concerned, walang problema. But of course, we went to the workshops and, ang una kasi lahat, I mean, when you go workshop kailangan gusto mo ‘yung ginagawa mo and binibigyan mo ng time. And these six people really gave time at nakita namin sa workshop na alam mong may ibubuga and we were right. Kumbaga, tama kami doon sa pagpili sa kanila,” diin pa niya

Mapangahas ang original version ng Pasion de Amor and physically sexy. Kaya sisikapin daw ng mga tagapamahala behind the local version na mapantayan ang pagiging seksi ng tema ng original na version.

“Itong sa atin, skin kung skin. Hubaran kung hubaran. But of course, apart from that syempre, ang title ng show is Pasion de Amor at kung pamilyar kayo doon sa original, makikita mo doon ‘yung magkakapatid na mga lalaki nag-uusap sa bahay, mga naka-boxer shorts. ‘Yung mga babae naka-bathing suit parati or parating nakalabas ang mga tiyan, ganyan.”

“Pero hindi naman tayo pwedeng magpakita ng sobra. Pero syempre, of course, merong MTRCB na I used to be a part of, so, kahit paano alam ko kung ano ‘yung hinahanap nila, kung ano ‘yung pwede. However, I’d like to think that we are daring,” ayon pa ni Direk Eric.

“And apart from being daring, syempre ang pinagtuunan din naman ng show talaga is about family. Kumbaga, you talk about three brothers and three sisters. Basically, the love of the three couples. But definitely, we are trying to be as daring as the franchise,” paliwanag pa ni Direk Eric.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa remake ng Pasion de Amor sina Ronaldo Valdez, Teresa Loyzaga, Aubrey Miles, Michelle Madrigal na nagbabalik Kapamilya ulit, Ahron Villena, AJ Dee, Ron Morales at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending