Ruffa dedma na lang, ayaw nang patulan si Annabelle | Bandera

Ruffa dedma na lang, ayaw nang patulan si Annabelle

Cristy Fermin |May 29,2015
facebook
share this

Ruffa dedma na lang, ayaw nang patulan si Annabelle

Cristy Fermin - May 29, 2015 - 03:00 AM

ANNABELLE RAMA AT RUFFA GUTIERREZ

ANNABELLE RAMA AT RUFFA GUTIERREZ

Nakakaloka ang namamagitang away ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Nu’ng teenager pa si Ruffa at nagsisimula pa lang sa pag-aartista ay bantay-sarado sa kanya si Tita Annabelle.

Panganay na, nag-iisang anak na babae pa, kaya ganu’n na lang ang proteksiyong ibinibigay nina Tita Annabelle at Tito Eddie Gutierrez sa kanilang anak.

Inaaway lahat nu’n ng mommy ni Ruffa ang mga nagkokomento ng hindi kagandahan tungkol sa kanya, ilang reporters ba ang nakabangga nu’n ni Tita Annabelle dahil sa pagtatanggol sa anak nito, hindi na mabibilang nang minsanan lang.

Pero nagbago na nga ang takbo ng panahon, ang nagtatanggol nu’n kay Ruffa ang mismong umaaway na sa kanya, ito pa ang nagbubuyangyang sa publiko ng mga hindi kagandahang salita at kuwento tungkol sa kanya.

Galit na galit ang mommy ni Ruffa sa kanyang karelasyon ngayon, patay-gutom kung ilarawan ni Tita Annabelle ang boyfriend ni Ruffa, natural lang na masaktan ang aktres dahil masyadong minamaliit ng kanyang mommy ang lalaking nagpapaligaya sa kanya ngayon.

Pero tulad ng pagtanggap ng mas nakararami nating kababayan, walang ibang pamimilian si Ruffa kundi ang unawain na lang si Tita Annabelle, dahil nanay ito na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang anak.

Kahit pa nasa wastong edad na si Ruffa ay hindi pa rin niya maiaalis kay Tita Annabelle ang paggabay at pagbabantay sa kinabukasan niya at ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending