Marian handang gawin ang lahat para sa asawa’t anak | Bandera

Marian handang gawin ang lahat para sa asawa’t anak

Jobert Sucaldito |May 29,2015
facebook
share this

Marian handang gawin ang lahat para sa asawa’t anak

Jobert Sucaldito - May 29, 2015 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

Sobrang impressed ako kay Marian Rivera dahil isa siya sa mga artistang marunong magpahalaga sa aming trabaho as entertainment writers.

Pag meron kang naisusulat na maganda about her, she tried to reach out and will say thank you. Unlike many stars – as in. MANY talaga, na isulat mo nang ilang milyong beses na maganda ay deadma at parang utang na loob mo pa sa kanila pero minsan mo lang makanti, parang kriminal na ang tingin sa iyo.

Mababaw lang naman kami eh, hindi naman kami as harsh as people think. Marunong kaming mang-arbor when needed – kumbaga, meron din naman tayong tinatawag na Sacred Cows in this business, meaning, kapag malapit sa puso mo ang isang artist at nasuong sa isang iskandalo, we do write still about their issues pero umaalalay naman kami.

Ganoon lang naman sa buhay, di ba? Pero yung iba, ‘nyeta sila. Hindi na nga marunong magpasalamat, kung mangdeadma ay ganoon-ganoon na lang. Kaya hindi niyo ako masisi kung ganoon na lang ang pagmamahal ko kay Marian Rivera dahil marunong siyang rumespeto sa propesyon namin.

Pag nakakanti namin siya, hindi siya nagagalit dahil alam niyang meron kaming pinanggagalingan sa kuwento namin. She will just air her side and that’s it.

Pero pag naisulat mo siya ng maganda, marunong mag-text at magpasalamat. Kaya nakakatuwa siya. We just love Marian.

She’s such a nice lady but often misunderstood. Hay!

Anyway, bilib na bilib din kami kay Marian dahil sa pagiging dedicated wife kay Dingdong Dantes. And we also beleive na magiging mabuting ina rin siya sa magiging baby nila ng kanyang mister.

Imagine, talagang isinakripisyo niya ang kanyang TV and movie career para sa kanyang pamilya. Agad niyang binitiwan ang ginagawang serye sa GMA dahil nga maselan ang kanyang pagbubuntis.

Ang sabi nga ni Marian, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang baby, kaya nagdesisyon agad na huwag nang ituloy ang bago niyang project sa kanyang mother network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending