Vice Ganda: Pagtawanan n'yo ako, laitin n'yo...wala akong pakialam! | Bandera

Vice Ganda: Pagtawanan n’yo ako, laitin n’yo…wala akong pakialam!

Ervin Santiago |May 28,2015
facebook
share this

Vice Ganda: Pagtawanan n’yo ako, laitin n’yo…wala akong pakialam!

Ervin Santiago - May 28, 2015 - 05:46 PM

VICE GANDA

VICE GANDA

“ITO ako, ito si Vice Ganda. Hindi makinis ang mukha ko para sa paningin ng iba, mataas ang hairline ko. Ngayon picturan niyo akong lahat, ikalat niyo sa Internet!”

Ito ang matapang na pahayag ng TV host-comedian na naging emosyonal sa kanyang advice segment kanina sa It’s Showtime.
Mabilis itong naging top local trending topic sa Twitter kung saan sinagot niya ang tanong ng isang teenager na nabibiktima lagi ng pambu-bully. Siya si Pamela Reyes, 16, na lagi raw tinatawag na pangit.

Ang unang payo sa kanya ni Vice, “Kailangan tanggap mo ang kahirapan mo kasi kapag tanggap mo ang sarili mo at kahinaan mo, walang sino mang tao ang may karapatang gumamit nito laban sa iyo.”

Matapos ito, biglang tinanggal ni Vice ang kanyang contact lens, hair extension at make-up para ibandera sa buong mundo na hindi lang sa pisikal na anyo nakikita ang tunay na kahulugan ng kagandadan.

“Ngayon picturan niyo akong lahat, ikalat niyo sa Internet. Pagtawanan niyo ako. Laitin niyo ako. Sabihin niyo ang lahat ng nais niyong sabihin. Wala akong pakialam,” hamon pa ng gay comedian sa madlang pipol.

Pagpapatuloy pa ni Vice, “Dahil kahit magaspang ang mukha ko, mataas ang hairline ko, maganda ako. Wala na akong itinatago. Hindi na ako natatakot at kahit ano ang sabihin niyo sa akin, hindi na ako mabibigla.

“Sabihin niyo, pangit ng buhok ko, alam ko. Pangit ng kutis ko, alam ko. Pero ‘yan ang lahat eh sa paningin niyo; para sa akin, maganda ako. Maganda ako at maganda ka,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending