Wally, Jose, OPM singers may benefit show para kay Rico J. | Bandera

Wally, Jose, OPM singers may benefit show para kay Rico J.

Cristy Fermin |May 26,2015
facebook
share this

Wally, Jose, OPM singers may benefit show para kay Rico J.

Cristy Fermin - May 26, 2015 - 02:00 AM

rico j puno

Sa Biyernes nang gabi gaganapin sa Zirkoh-Tomas Morato ang isang malakihang benefit show para sa music icon na si Rico J. Puno na nagpapalakas pa sa kasalukuyan mula sa pinagdaanan niyang triple heart bypass.

Mabait ang mundo ng showbiz at musika. Kapag may kasamahan silang nangangailangan ng suporta, walang pagdadalawang-isip silang sumasagot, wala silang hinihintay na anumang kapalit ng kanilang performance.

Mabilis silang tumugon, gaano man kahigpit ang kanilang schedule ay gagawa sila ng paraan para mabigyan ng suporta ang kanilang kaibigan-kasamahan, tulad ng nangyari sa “A Total Entertainment (For Rico J. Puno)” na mapapanood na sa darating na Biyernes nang gabi.

Magkakasamang magpe-perform para kay Rico J. Puno sina Tirso Cruz III, Eva Eugenio, Jessa Zaragoza, Dulce at ang anak nitong si David Ezra, ang OPM Hitmen (Renz Verano, Richard Reynoso, Rannie Raymundo at Chad Borja), Dessa, Tuesday Vargas, Lolita Carbon ng ASIN, Vin Abrenica at ang mahusay na tambalang Jose Manalo at Wally Bayola.

Maraming-maraming salamat sa mga singers at artistang naglaan ng espesyal na panahon para makapagbigay ng suporta sa kanilang kaibigang si Koriks na may pinagdadanaan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending