Lloydie ayaw pa ring pakasalan si Angelica | Bandera

Lloydie ayaw pa ring pakasalan si Angelica

Ervin Santiago |May 23,2015
facebook
share this

Lloydie ayaw pa ring pakasalan si Angelica

Ervin Santiago - May 23, 2015 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Wala pa talaga sa priority ni John Lloyd Cruz ang pakasalan ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Nakachika ng entertainment media si Lloydie kamakailan sa selebrasyon ng 50th anniversary ng Biogesic, isa sa mga endorsements ng Kapamilya actor na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel, at dito nga niya sinabi na ine-enjoy lang nila ni Angelica sa ngayon kung anuman ang meron sila.

Ang payat-payat na ni Lloydie, ibig sabihin talagang na-maintain niya ang kanyang ideal weight simula nang magbawas siya ng timbang para sa isang TV commercial na ginawa niya last year.

Bukod diyan, sabi nga ng kanyang fans, mas naging yummy pa ang BF ni Angelica dahil sa kanyang semi-kalbo na hairstyle. Kinailangan kasing magpakalbo ni Lloydie para sa indie movie na “Ponzi”.

Sey ni John Lloyd, pareho silang maligaya ngayon ni Angelica sa mga nangyayari sa kanilang personal na buhay, trabaho raw muna ang inaasikaso nila at naniniwala siya na kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nila ay wala nang makapipigil dito.

Samantala, halos isang dekada na ring brand ambassador ng Biogesic si Lloydie at sa ginanap na 50th anniversary celebration nito ay ipinagmalaki ng kumpanya na napakalaki ng nagawa ng aktor para sa kanilang patuloy na tagumpay.

Walang duda na ang “Ingat ka!” campaign nila na nagsimula noong 2007 ay ang pinaka-successful na TV ad nila.Sey naman ni Lloydie, ang Biogesic ang nagbigay sa kanya ng career bilang celebrity endorser, “Kasi simula nu’ng gawin ko ‘yung ‘Ingat!’ TV ad, nagsunud-sunod na ang endorsements ko.”

Pero inamin ni Lloydie na naging maingat na rin siya sa pagpili ng mga produktong ieendorso, kahit milyun-milyon daw ang talent fee kung hindi naman niya ito pinaniniwalaan ay hindi niya ito tatanggapin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending