Kris barubal ang bagong co-host sa Kris TV: Lalaki siya, niligawan ko talaga! | Bandera

Kris barubal ang bagong co-host sa Kris TV: Lalaki siya, niligawan ko talaga!

Ervin Santiago |May 23,2015
facebook
share this

Kris barubal ang bagong co-host sa Kris TV: Lalaki siya, niligawan ko talaga!

Ervin Santiago - May 23, 2015 - 02:00 AM

kris ramon

MATATAPOS na ang Kris And Bimby Summer TV sa ABS-CBN dahil babalik na sa school ang bunso niyang anak. At mismong ang Queen Of All Media na ang nag-announce na magkakaroon siya ng bagong male co-host sa kanyang morning show kapag bumalik na sa eskwela si Bimby.

“May school na siya sa June 22 so ang Kris And Bimby Summer TV will be ending soon. I do have a new co-host who is very, very exciting. Niligawan ko ang co-host na iyon. Hindi niyo aakalain na papayag siyang makatrabaho ko kasi lalaki siya,” pahayag ni Kris.

Ayaw munang pangalanan ng TV host-actress kung sino ang regular na makakasama niya sa Kris TV pero aniya, “he represents the young, male, barubal, diretso lang.”

“Marami siyang mga hashtag na napasikat pero he’s very well-respected sa academe. Meron din siyang mga best-selling books na nasulat na,” dagdag pa niyang clue.

Hirit pa ng mommy nina Joshua at Bimby, “Nagkaroon siya ng hesitation. Kinausap ko ‘yung manager niya, kinausap ko siya. Inaaral niya ako as we speak kasi tinext ko siya ng happy birthday at sinabi niya, ‘Nanonood ako actually ng mga lumang episodes mo.’ Sabi ko, ‘Ako naman, binabasa ko ‘yung dalawa mong libro.’”

Next week ibabandera ni Kris kung sino ang male celebrity tinutukoy niya.  Ilang followers ni Kris sa social media ang nanghula kung sino ang lalaking tinutukoy niya, at marami sa mga ito ang nagsabing baka raw ang author-professor at komedyanteng si Ramon Bautista ang magiging co-host niya sa Kris TV.

Ilang netizens kasi ang agad nag-research, at nag-swak sa lahat ng mga clue ni Kris si Ramon Bautista na naging kontrobersiyal noon nang tawagin niyang “hipon” ang mga taga-Davao.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending