Xian sa relasyon nila ni Kim: Napi-feel ko, malapit na! | Bandera

Xian sa relasyon nila ni Kim: Napi-feel ko, malapit na!

Ervin Santiago |May 23,2015
facebook
share this

Xian sa relasyon nila ni Kim: Napi-feel ko, malapit na!

Ervin Santiago - May 23, 2015 - 02:00 AM

xian lim

“Malapit na malapit na, nararamdaman ko na!” Ito ang naging sagot ni Xian Lim nang tanungin kung magdyowa na sila ni Kim Chiu.

Present ang Kapamilya hunk actor sa ginanap na presscon ng 2nd PEP List Awards kung saan dalawang award ang nakuha niya – ang Pepsters’ Choice Fab Star of the Year (Male), at Celebrity Pair kasama ang ka-loveteam na si Kim.

Sey ng binata, araw-araw ay mas lalong lumalalim ang samahan nila ni Kim at kahit daw hindi sila masyadong nagkikita ngayon ay ganu’n pa rin sila ka-close, wala naman daw nagbabago sa special friendship nila.

“Malapit na po, nararamdaman ko po. Hindi pa po (kami) eh (pero) malapit na po. She’s special, very special,” aniya. Samantala, wala ring problema kay Xian kung “magkabalikan” sina Kim at ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson sa isang teleserye o pelikula, “Wala naman po sa akin ‘yon.

Pero sa ngayin parang wala pa po akong alam (reunion project ng mag-ex) pero ang susunod na project namin ni Kim ay teleserye at may pelikula rin.”

Feeling ba niya, makakaapekto sa relasyon nila ni Kim kung sakaling magsama uli sa trabaho ang ex couple? “Kasali naman po ‘yon. Kwento ko lang.

Kunwari may show kami, either kasama ko si Kim or si Gerald, minsan ang mga fans sila ang nasasaktan, dinidibdib nila. Para sa amin wala po ‘yon, pero sa mga sumusuporta sila yung naaapektuhan.”

Sa ngayon daw, ayaw munang mag-isip ni Xian ng tungkol sa pagbabalikan nina Kim at Gerald, lalo na ngayong single na uli ang binata matapos makipag-break kay Maja Salvador, “Hindi ko po iniintindi ‘yung ganoong bagay. Kung lahat ay iisipin ko baka sumabog na ulo ko.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending