Gerald ibinuking ng utol, totoong madaling ma-in love sa mga babae | Bandera

Gerald ibinuking ng utol, totoong madaling ma-in love sa mga babae

Cristy Fermin |May 23,2015
facebook
share this

Gerald ibinuking ng utol, totoong madaling ma-in love sa mga babae

Cristy Fermin - May 23, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

Oong-oo naman, sagot namin sa nagtanong kung dapat bang ma-flatter si Janice de Belen sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Gerald Anderson, walang kaduda-dudang oo lang ang maisasagot namin tungkol du’n.

Bakit naman hindi mapa-flatter ang aktres, halos anak na lang niya si Gerald, pero ayon sa mga kwento ay nagbibigay pa ng masarap na atensiyon sa kanya ang tisoy na aktor?

Totoo man o kuwento-kuwento lang ang mga lumalabas na balita, para kay Janice ay nakapagpapahaba ‘yun ng buhok, ang mga anak niya dapat ang espesyal para kay Gerald hindi siya.

Sinong babae naman ang hindi kikiligin kapag ganyan na bagets ang iniuugnay sa kanya? E, si Janice pa naman, simple lang siya pero kikay-kikay rin ang aktres na ito.

Pero wala raw katotohanan ang kwento, sabi ni Janice, gawa-gawa lang daw ‘yun ng mga taong walang magandang magawa sa buhay.

Bakit daw siya, e, ang dami-dami namang mas bata at mas sexy sa kanya na puwedeng bigyan ng atensiyon at pagmamahal ng guwapo at tisoy na aktor?

Pero sabi sa amin ni Ken, ang nakababatang kapatid ni Gerald, “He falls in love so fast.” ‘Yun daw ang malaking pagkakaiba nila ng kanyang kuya.

Kung ganu’n ay may malaking posibilidad nga na espesyal ang atensiyon ni Gerald kay Janice. At bakit naman hindi? At bakit din hindi puwede?

May imposible ba sa pag-ibig?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending