Vice Ganda sinabihan ng suplada at mataray habang nasa Shopping Mall | Bandera

Vice Ganda sinabihan ng suplada at mataray habang nasa Shopping Mall

Alex Brosas |May 06,2015
facebook
share this

Vice Ganda sinabihan ng suplada at mataray habang nasa Shopping Mall

Alex Brosas - May 06, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Merong downside ang pagiging sikat.

This, Vice Ganda realized. Naikuwento niyang papunta siya sa isang gallery para bilhin ang isang painting para sa kanyang bahay. Nagmamadali na siya dahil magsasara na ang mall.

Siyempre, dahil sikat, pinagkaguluhan si Vice. Merong nagpa-picture at merong nagpapa-autograph.Sinabihan naman sila nang maayos ni Vice na hinahabol niya ang gallery dahil magsasara na ito.

What he heard next were nasty comments like “suplada pala si Vice”, “Mataray pala si Vice.” “Sa trabaho kayang-kaya ko ‘yan. Ang mas nahihirapan ako ay ang makakuha ng oras para sa sarili ko,” chika ni Vice. “Siyempre, hindi naman nila naiisip na gusto ko rin ng private time, na sarili ko lang,” dagdag pa niya.

Actually, sa mga sikat na katulad ni Vice ay mahirap talagang makakuha ng “me time”, ‘yung oras na iyong-iyo lang kung saan magagawa mo ang gusto mong gawin nang walang inaalalang taping, shooting or pictorial.

Actually, ‘yun ang kulang sa buhay ni Vice. Wala siyang “me time”. Marami siyang trabaho. Daily show niya pa lang ay malaki na ang oras na iginugugol niya.

Iba pa ang Sunday talk show niyang Gandang Gabi, Vice at ang shooting ng movies niya. Sa ngayon ay abala si Vice Ganda sa nalalapit niyang concert, ang “Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa Araneta… Eh Di Wow!” na magaganap sa Araneta Coliseum on May 22.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending