‘Nakakatawa ang mga palusot ni Pacman sa pagkatalo kay Floyd!’ | Bandera

‘Nakakatawa ang mga palusot ni Pacman sa pagkatalo kay Floyd!’

Jobert Sucaldito |May 06,2015
facebook
share this

‘Nakakatawa ang mga palusot ni Pacman sa pagkatalo kay Floyd!’

Jobert Sucaldito - May 06, 2015 - 02:00 AM

manny pacmna

Nakakahiya talaga tayong mga Pinoy sa mga naglalabasan sa social media tungkol sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather. Kasi naman, hindi na lang tanggapin ni Pacman na hindi niya talaga kakayaning talunin si Mayweather unless ma-knock out niya ito.

May mga excuses pa kasi siyang kesyo may shoulder injury na hindi naman nila idineklara before ng weigh-in kaya raw hindi siya nakapag-perform nang mabuti. Hindi raw kasi siya pinayagang magpaturok ng gamot pero si Mayweather ay pinayagan.

Nagsimula nang mag-sourgrape si Pacquiao – lumalabas na hindi siya naniniwalang natalo siya.Pero lumabas sa decision ng judges, unanimous talagang panalo si Mayweather dahil kokonti pala ang punches ni Pacquiao compared to his former fights.

Tapos aasa siyang manalo. Kaloka! Ayan nagmumukha na tayong katawa-tawa. Iyan ang mentality natin talaga, di ba? Naniniwala tuloy si Pacquiao that he deserved to win that day.

Pinaasa rin kasi siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.Sana, hindi na lang sila nagsasalita ng kung anek-anek, natalo na si Pacman kay Floyd, kaya yun na yun! Hindi na nila mababago ang decision ng judges.

Hindi ba niya matanggap that Mayweather is far better than he is? My gosh! Hindi pa ba sapat ang UNDEFEATED na title ni Mayweather para pagdudahan niya? Hasus, garbanzos, tomato sauce!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending