Tina Paner, Lotlot de Leon di naging magkaibigan dahil kay Monching | Bandera

Tina Paner, Lotlot de Leon di naging magkaibigan dahil kay Monching

Ervin Santiago |May 02,2015
facebook
share this

Tina Paner, Lotlot de Leon di naging magkaibigan dahil kay Monching

Ervin Santiago - May 02, 2015 - 02:00 AM

tina paner

INAMIN ng singer-actress na si Tina Paner na hindi talaga sila naging magkaibigan ni Lotlot de Leon kahit na nagkasama sila noon sa That’s Entertainment at nakagawa pa ng ilang pelikula.

“There was never a chance na maging friends kami ni Lotlot,” ang chika ni Tina sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA na Healing Hearts na pinagbibidahan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Inamin ni Tina na may kinalaman sa ex-husband ni Lotlot na si Ramon Christopher ang hindi nila pagiging close.

Kung matatandaan unang na-link si Monching kay Tina bago ito napunta kay Balot, “Noong mga panahon na iyon kasi, nagkakagulo na ang mga fans namin.

E, ang mga fans pa naman noon sa Broadway Centrum, grabe sila kung ipagtanggol nila kami sa ibang fans! It came to a point na nag-aaway-away na sila.

“E, magkakasama kami nina Balot at Monching noon sa Monday group. Awkward na rin yung situation naming tatlo kaya nagpalipat na lang ako sa Friday group.

Mabuti na rin ‘yon para lang hindi na mag-away-away ang mga fans namin. Tsaka ako na rin yung umiwas. “Mga bata pa kasi kami noon kaya masyadong emotional.

Madali kaming masaktan sa tsismis. So, para walang gulo, mas maganda na yung magkakahiwalay ng grupo,” sey ni Tina na mapapanood na nga sa Healing Hearts ng GMA ngayong Mayo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending