Mga krus, kabaong inihahanda na para kina Veloso at iba pang bibitayin | Bandera

Mga krus, kabaong inihahanda na para kina Veloso at iba pang bibitayin

|April 27,2015
facebook
share this

Mga krus, kabaong inihahanda na para kina Veloso at iba pang bibitayin

- April 27, 2015 - 03:07 PM

mga krus at kabaong na umano'y gagamitin kina Veloso

mga krus at kabaong na umano’y gagamitin kina Veloso

NAGHAHANDA na ang Indonesia para sa nakatakdang pagbitay at paglilibingan ng Pinay na si Mary Jane Veloso at walong iba pa na nakatakdang i-firing squad ano mang oras mula ngayon.

Sa isang artikulo na inilathala ng Indonesian news network na Jawa Poss National Network, sinabi nito na ipinakita ang mga krus at kabaong na gagamitin sa mga bibitayin.

Sinabi pa ng artikulo na ang mga krus ay para kay Veloso, sa mga Australian na sina Andrew Chan at Myuran Sukumaran, Brazilian na si Rodrigo Gularte at mga Nigerian na sina Okwudili Oyatanze at Sylvester Obiekwe.
Nakalagay ang petsang Abril 29, 2015 sa mga krus.

Naaresto si Veloso noong 2010 sa Yogyakarta Airport na may dala-dalang 2.6 kilo ng heroin na nakalagay sa kanyang bag.
Nagkukumahog ang gobyerno na mailigtas si Veloso kung saan personal na hiniling ni Pangulong Aquino kay Indonesian President Widodo na mailigtas si Veloso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending