Kabilin-bilinan ni Karla: Daniel bawal bumili at sumakay ng motor | Bandera

Kabilin-bilinan ni Karla: Daniel bawal bumili at sumakay ng motor

Julie Bonifacio |April 27,2015
facebook
share this

Kabilin-bilinan ni Karla: Daniel bawal bumili at sumakay ng motor

Julie Bonifacio - April 27, 2015 - 03:00 AM

daniel padilla

A FEW weeks from now ay magiging daddy ulit ang tatay ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla. Buntis ang bagong misis ni Rommel na si Charice Quebec nu’ng makita namin sa presscon for the second season ng 2 ½ Daddies ng TV5.

Si Charice rin ang nanay ng bunsong anak ni Rommel at bagong child star na si Aryanna Padilla. Kasama siya sa comedy show ng daddy niya at mga uncle na sina BB Gandanghari at Robin Padilla.

Si Aryanna ang ika-10 anak ni Rommel at pang-11 nga ang nasa tiyan pa lang ni Charice. Ikinasal sina Rommel at Charice sa isang Muslim rites since pareho sila ng relihiyon.

Parehong Muslim ang mga magulang ni Aryanna. Kaya pwede pang mag-asawa ulit sa iba si Rommel. But when we asked him kung si Charice na kaya ang last wife niya, mabilis na “oo” ang sagot ni Rommel.

Almost 20 years daw ang agwat ng edad ni Rommel kay Charice. Siya rin ang ikapitong babae sa buhay ni Rommel. Sa mga nakarelasyon niya, sa aktres na si Jean Garcia lamang siya hindi nagkaroon ng anak.

Namamayagpag ngayon ang mga anak ni Rommel. Bawat TV network ay meron siyang anak na nag-aartista. Syempre, una na si Daniel sa ABS-CBN, si Aryanna sa TV5 at ang magkapatid sa ina na sina RJ at Ralph Matthew naman ay nasa GMA.

Wala naman daw masyadong shini-share na secret sa kanya si Daniel dahil sobrang disiplinado ang binata. “Talagang iba yata humawak ‘yung, oo, si Karla (Estrada). Kasi parang Mommy Eva rin ‘yan, e.

Sobra. Ha-hahaha! May sumbong si DJ, ‘Pa, sobra si Mama.’ Ako naman, ‘Ang Mama mo kailangan unawain mo. Kasi hindi, walang sasabihin ang nanay mo na hindi para sa ‘yo.

Lahat ‘yan ikabubuti mo.’ May magandang example naman ako, si Mama Eva. Hanggang ngayon, ako singkwenta na ako pero nandiyan pa rin si Mama,” kwento ni Rommel.

Pareho raw strong ang character nina Mommy Eva at Karla, “Syempre ‘yung oras nang pag-uwi. ‘Yung nag-aaral siya bawal ang ganito, bawal ang ganyan. Noong nahuling nagsigarilyo parang nasyombag. Ha-hahaha!”

Wala raw siyang masabi kay Daniel noong time na ‘yun, “Wala, nahuli ka, e! Saka ako, pinipigil ko siyang magyosi. Kasi ayoko noong tinatago niya sa akin. Kung magyoyosi ka diyan, pero, until now, hindi pa rin niya pinapakita sa akin,” sey pa niya

Tanggap naman ni Rommel ang mga negative issues na binabato kay Daniel, “Asahan mo na kasi ‘yun. Alam mo ang kasikatan kapag nandiyan sa ‘yo, imposibleng walang negative.

“At ‘yung mga banat naman sa kanila ‘yung mga RIP, silang dalawa ni Kathryn. Unang-una hindi natin sila pwedeng pigilan. Hindi kasi lumabas noon na parang nilagay sila sa kabaong, may mga bulaklak.

Kasali ‘yun, e. Pero sana na lang, e, huwag dadaanin sa ganoon,” sabi ni Rommel. Biniro namin si Rommel kung “nagre-remmit” o “pera padala” ba sa kanya si Daniel, “Alam mo si DJ, niregaluhan na niya ako ng bisikleta na specialized, ha.

Siguro mga worth P200,000 ata ‘yun. Binigay lang niya ‘yun. Recently, binigyan niya ako ng pick-up. ‘Yung Nissan Navarra. Tapos si Roanna niregaluhan niyang kotse, ‘yung gumradweyt na kapatid niya.

Binigay niya Honda Jazz. Mabait si DJ.” Sobrang natuwa raw si Rommel nu’ng kunin niya sa bahay nina Daniel ang birthday gift sa kanya ng Teen King, “‘Tsaka si Karla, mabait din, e.

Sinurprise nila ako, pagdating ko doon sa bahay nila nandoon na ‘yung pick-up. Kasi once a week, twice a week nagkikita kami. Basta bonding lang.”

Gustuhin man ni Rommel na isama si Daniel sa motorcycle event na gagawin niya sa October, e, tiyak niyang hindi papayag si Karla, “Naku, ayaw ni Karla ‘yan.

Actually, ang hinihiling ko kay Karla motor. Naglalambing ako, ‘Neng, ano, may motor akong gusto.’ Parang magbibingi-bingihan ‘yun. Humiling ka na lang ng iba huwag lang ‘yan, sasabihin niya sa akin,” ngiti ni Rommel.

Isang Harley Davidson na motor ang hinihiling ni Rommel from Karla, “Oo, kasi si DJ kasi ang nagsasabi noon. Sabi niya, kasi nadaan kami doon, e, ‘Tara Pa, drive-drive.’ Drive kami tingin-tingin, ‘Ayan, bili kita niyan.’ ‘Wow,’ naman ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alam niya Harley boy ako, e.  “Nagkaroon kasi ako ng Harley noon, ‘yung vintage na Harley Davidson. Noong panahon namin ni Jean, lagi akong naka-motor. Kaya si Jean galit na galit sa motor ‘yan noon.

Tapos sabi ni DJ, ‘Pa kapag ano, regalo ko sa ‘yo.’ Kaya hintay lang,” sabi pa ni Rommel. Expectorant talaga si Rommel na magkakaroon siya ulit ng HD motorcylce, either bigyan siya ng anak niya, or siya na lang mismo ang bibili kapag naayos na ang nilulutong endorsement para sa kanilang mag-ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending