Horoscope, April 27, 2015 | Bandera

Horoscope, April 27, 2015

Madam Sophia |April 27,2015
facebook
share this

Horoscope, April 27, 2015

Madam Sophia - April 27, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang umunlad mag-concentrate sa iisang kalakal at iisang negosyo lamang. Sa pag-ibig, iwasang mag talusira sa minamahal, upang magtuloy-tuloy ang isang masayang relasyon. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tera-Om.” Maroon at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 8, 19, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Pink at olive green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin upang muling mabuo ang relasyon! Sa pinansyal hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa, kailangan mo ng kasama, ka-partner o asawa. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Dosya-Galla-Om.” Green at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Dahil napapansin mong laging kapos sa pangaraw-araw na pang-gastos, panahon na upang magtipid. Walang ibang solusyon upang umunlad kundi ang magsinop. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang topaking Aquarius. Mapalad ang 1, 19, 18, 23, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang magsimula ng negosyo, ngayong buwan ng Mayo, kumbinsehin ang kasuyong Capricorn na magsosyo kayo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain at grocery. Sa nasabing negosyo mas madaling makakamit ang pagyaman. Mapalad ang 5, 16, 25, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal, habang nagpapakabuti, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Aquarius, may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban! Iwasan ang pakikipag-away. Kapag payapa ang isipan, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang Taurus. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Dosha-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Wag masyadong malandi at pagkatapos ay magpo-post ng kung ano-ano sa Facebook. Itigil na ang pagka-adik sa selfie at pagla-like ng kung ano-anong post. Sa halip ang pagpapayaman at pagpapalago ng kabuhayan ang dapat mong pag-konsentretan. Mapalad ang 7, 9, 26, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tuloy-tuloy ang dating ng suwerte na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig ay gayon din, mas magiging mapalad, at maligaya, hangga’t iniiwasan ang mga tuksong dumarating. Mapalad ang 6, 14, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag nang isalba ang natapos na relasyon! Higit kang magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang Gemini. Sa pinansyal, isang Aquarius ang magbibigay sayo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Olde rose at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Maikli lang ang buhay kaya walang dapat gawin kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, makakabili ka rin ng isang tunay, wagas at pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 7, 17, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—May bagong pag-ibig na darating! Kung ang relasyong kumakatok ay magdudulot ng kaimoralan, mabilis mong iwasan, dahil gastos lang yan! Bukod sa Libra, aakitin ka rin ng isang Gemini na lalo mo pang ikakikilig. Mapalad ang 1, 18, 28, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Gray at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung nabibigyang aksyon ang mga inisip, mayaman ka sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung kikilos ka na ngayon. Wag kasing isip ng isip at puro pangarap – aksiyon ang kailangan, upang lumigaya at yumaman. Mapalad ang 1, 7, 19, 22, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Govinda-Om.” Beige at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending