Erich kinain lahat ng pinagsasabi tungkol kay Daniel | Bandera

Erich kinain lahat ng pinagsasabi tungkol kay Daniel

Ambet Nabus |April 26,2015
facebook
share this

Erich kinain lahat ng pinagsasabi tungkol kay Daniel

Ambet Nabus - April 26, 2015 - 02:00 AM

erich gonzales

Yes, masasabi na nga nating kinain ni Erich Gonzales ang kanyang mga sinabi noon na imposibleng maging sila ni Daniel Matsunaga dahil mayroon na siyang non-showbiz BF.

This was during the time na nali-link na si Erich kay Daniel while having good rapport and working tandem sa pinagsamahan nilang soap opera na Two Wives.

Pero dahil nga sa naging constant ang kanilang samahan lalo na sa morning show ni Kris Aquino na madalas silang kuning co-hosts, ngayon ay iba na ang timpla at sinasabi na nga ni Erich na she’s single again at may mga bagay naman daw sa mundo ay posibleng mangyari.

Hay, ganyan talaga ang life! But in fairness, bagay naman sila kapatid na Ervin. May mga social media posts pa nga sila na kasama ang nanay at kapatid ni Daniel na halos magkakamukha na sila.

Ang question na lang dito eh, hanggang kailan kaya sila tatagal?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending