Babalik pa ba ang ka live-in | Bandera

Babalik pa ba ang ka live-in

Joseph Greenfield |April 25,2015
facebook
share this

Babalik pa ba ang ka live-in

Joseph Greenfield - April 25, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Roselyn ng Bulawan, Payao, 

Zamboanga
Dear Sir Greenfield,

Ang buong akala ko ay binata ang lalaking naka-live in ko, pero huli na nang malaman ko na may pamilya pala siya sa probinsiya nila. Kung hindi pa nag-text sa akin ang asawa nya na hindi ko rin alam kung paano nakuha ang number ko na wag ko na raw silang guluhin, hindi ko mabibisto ang lihim ng lalaking ka live-in ko.
Nang umuwi po ng probinisya nila sa Bicol ang ka-live in ko, nang hindi nya alam na buntis ako. Sa darating na August po ang due date ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung babalikan pa ba ako ng ka-live in ko, at pananagutan kaya niya ang baby na dinadala ko o bibigyan man lang kaya kami niya nang sustento? Ano ang mangyayari nito sa buhay ko kapag naging dalagang ina na ko at hindi na nagbalik ang ka-live in ko, makapag-aasawa pa kaya ako ng isang matino at responsableng lalaki? November 13, 1990 ang birthday ko.

Umaasa,
Roselyn ng Zamboanga

Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Isang magulo, at nabiyak (arrow 1.) at isang maayos at maganda (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na, kahit sabihin pang malapit ka ng magka-anak sa pagkadalaga.

Cartomancy:

Two of Hearts, King of Clubs at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon susuwertehin ka na at ang nasabing mabait at tapat na lalaki na kahit may anak ka na sa pagkadalaga ay mamahalin ka pa rin nya ay nakatakda mong makilala sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Oktubre.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending