Ang tunay na rason kung bakit nagalit si Maria kay Gerald...’ | Bandera

Ang tunay na rason kung bakit nagalit si Maria kay Gerald…’

Cristy Fermin |April 24,2015
facebook
share this

Ang tunay na rason kung bakit nagalit si Maria kay Gerald…’

Cristy Fermin - April 24, 2015 - 03:00 AM

MARICEL SORIANO AT GERALD ANDERSON

MARICEL SORIANO AT GERALD ANDERSON

Palaging nauugnay ang pangalan ni Gerald Anderson sa mga babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya. Nu’n ay pumutok ang kuwento tungkol sa kanila ni Maricel Soriano, naudlot lang ang istorya dahil may mga nakialam, ngayon ay si Janice de Belen naman ang napapabalitang ka-close ng tisoy na aktor.

Ang sabi, kapag ang isang lalaki raw ay nagbibigay ng atensiyon sa isang babaeng halos tiyahin o nanay na lang niya ay isa lang ang ibig sabihin nu’n, kapos sa pagmamahal ng ina ang lalaki.

Pero marami kaming nakausap na impormante na nagpapatunay na walang katotohanan ang napabalitang pagkakalapit nila ng loob ng Diamond Star, imbento lang daw ‘yun ng mga taong may gustong takpan na totoong kuwento, tulad ng kahinaan sa pag-arte ni Gerald.

“Hindi totoo ‘yung kuwento ng necklace, lalo namang hindi totoong gustong isama ni Marya sa bahay niya si Gerald para i-workshop, kalokohan lang ang mga kuwentong ‘yun!

Ang totoo, e, naburyong si Marya sa paulit-ulit na takes ni Gerald, nainis siya dahil hindi naman pala nakahanda sa trabaho niya ang bagets, kaya nagtatalak ang lola n’yo!

“Hindi sila naging close, hindi siya type ni Marya, puwede ba? Inimbento na lang ng mga kakampo ni Gerald ‘yung tungkol sa necklace, diverted na nga naman ang kuwento!” madiing sabi ng aming kausap.

Si Janice de Belen naman ang iniuugnay kay Gerald ngayon pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Maja Salvador, isang produkto sa merkado na hindi namin bibilhin, dahil halatang-halata namang pang-promo lang ang kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending