Vice Ganda sa Bashers: Magalit kayo kung sa simbahan ako nag-swimsuit! | Bandera

Vice Ganda sa Bashers: Magalit kayo kung sa simbahan ako nag-swimsuit!

Julie Bonifacio |April 23,2015
facebook
share this

Vice Ganda sa Bashers: Magalit kayo kung sa simbahan ako nag-swimsuit!

Julie Bonifacio - April 23, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

SAKTO ang pagkakakita namin kay Vice Ganda sa ABS-CBN pagkatapos ng live episode ng noontime show nila na It’s Showtime. This came after nga ng pinuntahan naming contract signing cum presscon ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa GMA 7.

Wala pang ideya si Vice tungkol sa pagpirma ng kontrata ni Ai Ai that time. Kaya ipinaalam namin sa kanya ang mga pangyayari. Kinongratulate naman ni Vice si Ai Ai sa pagpirma niya ng kontrata sa Siyete.

“I’m sure alam naman ni Ate Ai ‘yung mga ginagawa niya. At saka hindi naman gagawa ‘yun ng mga katsakahan. Ang mahalaga lahat kami may trabaho. Lahat kami kumikita, lahat kami masaya.

Deserved niya kung anong kontrata at kung anong deals ang makukuha ni Ate Ai. Deserved niya ‘yun dahil mahusay siya,” pahayag ni Vice.

Tinanong din namin si Vice kung hindi ba siya nagtatampo kay Coco Martin dahil sa mga binitiwan nitong pahayag tungkol sa diumano’y boyfriend daw niya ngayon.

“Hindi kasi maliit na bagay (‘yun). Hindi ako nagagalit, at all. Ayokong magalit dapat masaya lang.” Wala rin siyang galit sa lumabas na chika na boyfriend niya ngayon ang winner sa Mr. Chinatown.

“Kasi unang-una, ‘yung mommy pa niya ang tumawag sa akin, mommy ni Kurt. Nag-apologize pa nga. Sabi, ‘Hoy, may lumabas na ganitong isyu. Sorry, ganyan-ganyan, ganyan.

Nag-apologize din ako, ‘Ay, sorry,’ sabi ko. ‘Kasi pati kayo nadadamay,’ ganyan, ganyan. Kaibigan ko si Kurt at ang magulang niya,” paliwanag ni Vice.

For the record, hindi niya boyfriend si Mr. Chinatown, “Hindi! Ano ba?! Sinabi ko na ‘yan dati kapag nakikita ninyong kasama kong lumalabas hindi ko boyfriend. So, mali dahil kasama kong laging lumalabas si Kurt kung saan-saan.”

Pinabulaanan din ni Vice na super nilait ng followers niya ang ipinost niyang picture sa Instagram kung saan nakasuot siya ng bathing suit.

“Well, hindi totoo kasi kung pupunta ka sa Instagram ko more than 85,000 likes ang pumindot at nagkagusto doon sa mga pictures ko. Lahat naman kahit anong gawin mo merong negative na magko-comment,” diin niya.

Ang ipinagtataka ni Vice kung bakit ‘yung mga tao ay mas naka-focus daw doon sa negative comments. Sabi pa ni Vice, hindi naman daw ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsuot siya ng bathing suit.

“Hello, nagtataka ako bakit nagugulat ‘yung mga tao, e, hindi naman ‘yan ang unang beses na nag-bathing suit ako. At ‘yun ba ang unang beses na nakakita kayo ng baklang naka-bathing suit lalo pa’t sa beach ko naman ginawa ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magalit kayo kung sa simbahan ako nag-swimsuit, ‘di ba?” Feeling ni Vice, naiinggit lang ang iba sa kanya, “Unang-una, hindi sila makapag-bathing suit. Pangalawa, hindi sila makapunta ng Miami dahil wala silang visa,” ani Vice.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending