Jed Madela sablay bilang judge sa ‘Your Face...’ | Bandera

Jed Madela sablay bilang judge sa ‘Your Face…’

Ambet Nabus |April 23,2015
facebook
share this

Jed Madela sablay bilang judge sa ‘Your Face…’

Ambet Nabus - April 23, 2015 - 02:00 AM

jed madela

PINAG-USAPAN at nag-trending pa ang diumano’y pagiging OA (over acting) ni Sharon Cuneta as a jury member sa reality talent show na Your Face Sounds Familiar.

Every Saturday lang namin napapanood ang show dahil may Sunday program nga kami sa DZMM kaya’t hindi kami masyadong maka-relate, maliban na lang kapag nahahabol namin sa YouTube ang Sunday episode.

Ang ibig naming sabihin kapatid na Ervin, normal na sa amin yung pagiging bungisngis ni Mega at yung paghalakhak niya sa isang simpleng sitwasyon.

Kumbaga, knows na namin ang pagiging mababaw niya pagdating sa mga kakornihan kaya’t no big deal sa amin yung sinasabi nilang OA reactions nito sa mga kalahok ng naturang show.

In fairness sa umuupong juror na si Kuya Boy Abunda in behalf of Gary Valenciano, matino at mararamdaman mo ang effort niya na mas maging objective sa judgment niya.

Ang medyo sablay pa nga sa amin minsan ay si Jed Madela. Confused na confused kaming madalas sa choices niya at binibigyan ng high scores.

Well, sa anim na episodes nang itinatakbo ng show, feel naming makakapasok sa top 4 sina Nyoy Volante, Jay-R, Jolina Magdangal at Karla Estrada.

Napanood na naming maging boys and girls ang apat, at winner ang mga pegs nila. Sana makahabol si Tutti Caringal na napakagaling bilang Steven Tyler in one episode. Bet din namin ang pagiging “actor” on stage ni Edgar Allan Guzman.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending