Annabelle tinawag si Ruffa ng 'boba, mahilig sa lalaking kabit ng bading'? | Bandera

Annabelle tinawag si Ruffa ng ‘boba, mahilig sa lalaking kabit ng bading’?

Ervin Santiago |April 19,2015
facebook
share this

Annabelle tinawag si Ruffa ng ‘boba, mahilig sa lalaking kabit ng bading’?

Ervin Santiago - April 19, 2015 - 12:00 AM

ruffa gutierrez

KUMALAT sa social media ang matapang at maaanghang na mensahe ni Annabelle Rama patungkol sa isang taong aniya’y matalino at masipag magtrabaho pero sobrang boba naman daw pagdating sa pagpili ng lalaki.

Hindi man pinangalanan ng palabang talent manager ang tinutukoy niya sa kanyang mga tweet, maraming netizens ang nagpalagay na mukhang ang anak na naman niyang si Ruffa Gutierrez ang kanyang pinatatamaan.

Very open kasi ang ina ni Ruffa sa pagsasabing hindi niya gusto ang bago nitong boyfriend. At sa kabila nga ng pagtutol nito sa kanyang dyowa, itinuloy pa rin ng TV host-actress ang pakikipagrelasyon kay Jordan Mouyal.

Narito ang kabuuan ng ipinost ni Annabelle Rama sa kanyang Twitter account: “Hello my Twitter followers. I’m back and I miss you all… Bato bato sa langit ang tamaan ‘wag magalit.

“Super talino sa lahat ng bagay. Hardworking at nag-aral sa ilang expensive schools here and abroad…Pero pagdating sa pagpili ng lalaki, super tanga at bobita, mahilig sa mga lalaking palamunin, ‘escort’ ng mga sosyal na bading.

“Mas important gastusan ang lalaki kesa mga anak. Laging nasa computer, naghahanap kung saan may airline promo papuntang NYC, LA & Europe. Di ba bonggang-bonggang ‘Certified Sugar Mommy’… ‘Pag may mag-react Guilty.

“Mag-ingat lang sa ganoong klaseng lalaki, ayaw magtrabaho, naghahanap lang nang magsusuporta sa kanila. Naku, ‘di magtagal, hahanap yan ng iba. Pag wala nang makukuha sa ‘yo maghahanap ng iba na mas bata.”

Habang isinusulat namin ito, wala pang reaksiyon si Ruffa sa mga naging post ng kanyang mommy sa Twitter. Pero ayon sa ilang nabasa naming comments mula sa mga netizens, pinayuhan nila ang TV host-actress na huwag nang magsalita, respetuhin na lang niya ang kanyang nanay para hindi na humaba pa ang issue.

Ina pa rin daw niya ito at hindi nga magandang tingnan na sinasagut-sagot niya ito lalo na sa social media. Ang gawin niya, patunayan na lang niya sa buong mundo na tama ang naging desisyon niya na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kanyang boyfriend.

Na isang malaking korakak naman, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending