Dating young star minalas ang lovelife sa France kaya umuwi ng Pinas | Bandera

Dating young star minalas ang lovelife sa France kaya umuwi ng Pinas

Julie Bonifacio |April 18,2015
facebook
share this

Dating young star minalas ang lovelife sa France kaya umuwi ng Pinas

Julie Bonifacio - April 18, 2015 - 01:30 AM

carla humphires
NAKAKUWENTUHAN namin ang nagbabalik Kapamilya na si Carla Humphries bago magsimula ang special screening ng bagong series ng ABS-CBN, ang Nathaniel.

Noong isang taon pa pala siya walang project sa TV5 at kadarating lang niya from France.  One year siyang nag-stay sa motherland ng father niya na isang French.

She went there daw para alagaan ang kanyang lolong may sakit. Happy naman daw siya habang nasa France dahil she met her new boyfriend doon.

Ang kaso nag-break din sila kaya umuwi siya rito na heartbroken. Medyo sad-sad pa si Carla habang ikinukwento sa amin ang sinapit ng kanyang love story sa France na kilala pa naman bilang most romantic country in the world.

Sabi ni Carla, pagka-break nila ng kanyang French boyfriend, e, bumalik agad siya ng Pilipinas. Syempre nga naman para hindi na niya makita ‘yung ex-BF niya na sinaktan siya dahil sa ibang babae.

Dito raw niya pagagalingin ang pain sa puso niya kaya magbibisi-bisihan siya ngayon sa kanyang career. But you can never tell, baka biglang sumu-nod sa kanya dito ang ex-French boyfriend (EFB) niya’t yayain na siya ng kasal, huh?

Mabuti na lang ‘di na-preggy si Carla ng kanyang EFB or else, alam ninyo na. Speaking of preggy, nakasama ni Carla ang nababalitang buntis ngayon na si Empress Schuck.

Naging “beybi-beybi” daw niya noon si Empress sa drama series na All About Love sa ABS-CBN. “I’m sure whatever she’s going through right now, she’s happy,” reaksyon ni Carla.

Anyway, sa pagbabalik ni Carla sa Kapamilya network kasabay nito ang pagpalit din niya ng manager. Si June Rufino na raw ang bago niyang manager ngayon.

Hindi siya kasali sa Nathaniel pero napanood siya sa first week ng Inday Bote bilang nanay ng batang si Alex Gonzaga. Ang Inday Bote ang first project niya since she came back.

Special appearance lang siya roon pero may isang episode siya na iti-tape na pang-backstory sa serye. Bongga ang sagot ni Carla when we asked her kung bakit kay bata pa niyang tumanggap ng mother role.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Very short lang po kasi ang role ko doon and mother naman ako noong bata pa si Alex. At saka, kung si Angelica Panganiban nga po pumayag na maging nanay na ni Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo, e, ako pa kaya? Dahil sa kanya, na-inspire ako na tanggapin ang role,” nakangiti niyang sagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending