Problemado sa BF na lesbian | Bandera

Problemado sa BF na lesbian

Pher Mendoza |April 17,2015
facebook
share this

Problemado sa BF na lesbian

Pher Mendoza - April 17, 2015 - 02:00 AM

DEAR Manang,

Ako po si Ana Mae. Taga Iloilo po. Ask lang po ako sa inyo, may ‘BF’ po ako na lesbian. Mahal niya ako pero marami ang naninira sa akin.

Bakit daw ako nag-BF ng lesbian marami namang lalaki diyan. Ano ang gagawin ko, manang?
Ana Mae, Ilo-ilo

Ana Mae, maayong adlaw sa inyo diyan sa Iloilo, mga pangga!

Mahal mo ba si BF na lesbian? Mahal ka rin ba niya? Then, bakit ka magpapaapekto sa mga taong naninira at hindi naman part ng inyong relationship?

Your relationship is personal, kayong dalawa ‘yan, kung wala naman kayong taong sinasagasaan or sinasaktan then you have to make sure to take care of what you have.

Kung naapektuhan ka, ask yourself kung bakit. Marami talagang taong hindi nakakaunawa at makitid ang pag-iisip.

In this time, I believe, you don’t owe anyone an explanation kung sino ang mamahalin mo… Buhay mo ‘yan. You are responsible for your happiness… I’m not sure how old you are though. I’m hoping you are an adult na iha na maaaring magdesisyon para sa iyong sarili… Kung bagets ka pa (meaning below 18), maaari rin namang nasa experimental stage ka pa ng buhay mo so I think you need to find out what you want and what will make you happy.

Ang payo ng tropa:

Ana Mae,

Though wala naman akong anything against sa “situation” mo, okay din sana kung kaya mong sagutin ang question na: “Bakit nga ba sa babae ako attracted?”

Lahat tayo, gusto natin malaman at matagpuan ang tunay na LOVE.

TRUE LOVE will stand the test of criticisms at kung ano pa man ang ibatong comments tungkol sa inyo. Pero alamin mo muna kung ang tunay na nararamdaman mo ay “the need for a companion” or “true love.”

Pag nasagot mo lahat ng tanong ko sa iyo, mas maliliwanagan ka sa situation mo.

From Manong Moby of HIP:

Hi,

Hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay meron pa ring makikitid ang isip at hindi maintindihan ang takbo ng panahon ngayon.

Huwag mong intindihin kung ano ang sinasabi nila. Ang mahalaga ay kung anong damdamin ninyo ng BF mong lesbian sa isa’t-isa.

May kasabihan tayo na ang taong nakikinig sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili? Wala ka bang bait sa sarili? Aba! Ikaw lang ang makakasagot niyan.

Nina ng Malolos,
Bulacan

Hi Ana Mae,

Para sa akin, neng, sabi mo nga mahal mo ’yung BF mo na lesbian, mahal mo nga ba talaga? Kung mahal mo, wala naman problema dun, enjoy na lang siguro. Kung sa ngayon na hindi ka pa nag-iisip na magkapamilya, baka dumating ang panahon na gusto mong magkaroon ng buong pamilya at ng bubuo sa iyong pagkatao. You know what I mean na magkaroon ka ng sariling anak at ‘yun ay sa isang tunay na lalaki lamang mangyayari.

So, neng, goodluck na lang sa iyong love life, enjoy and be happy always!

Jenny B.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

vvv
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending