Maja nagbilad ng hubad na katawan sa Indonesia; netizens naglaway | Bandera

Maja nagbilad ng hubad na katawan sa Indonesia; netizens naglaway

Ervin Santiago |April 06,2015
facebook
share this

Maja nagbilad ng hubad na katawan sa Indonesia; netizens naglaway

Ervin Santiago - April 06, 2015 - 02:00 AM

maja salvador

NAGLAWAY ang mga kalalakihan at katomboyan sa kumalat na mga litrato ni Maja Salvador habang nagtatampisaw sa napakagandang beach resort sa Bali, Indonesia.

Sa nasabing bansa nagbakasyon si Maja nitong nagdaang Holy Week, kasama niya ang ilan sa malalapit niyang mga kaibigan tulad ng mga komedyanteng sina Cacai Bautista at Thou Reyes na lagi rin niyang kasama sa kanyang concert at mall shows.

Nakita namin ang ilang pictures ng magkakaibigan sa Instagram at talaga namang walang hiya-hiya si Maja sa pagpapakita ng kanyang seksing katawan.

May mga video ring in-upload ang grupo sa social media kung saan mapapanood ang kanilang bonding moments.Wala kaming nakitang litrato ni Maja kasama ang boyfriend niyang si Gerald Anderson kaya hindi kami sure kung magkasama ang magdyowa noong Semana Santa.

Pero sure na sure kami na hindi palalagpasin ng hot couple ang init ng summer ngayong taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending