Hindi na mahal ng boyfriend (2) | Bandera

Hindi na mahal ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield |March 31,2015
facebook
share this

Hindi na mahal ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield - March 31, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jean ng Sto. Niño, SFDM, Quezon City

Problema:

2. May boyfriend po ako at magpa-five months na kami, ang problema imbis na maging masaya ang aming relasyon parang wala ring nangyayari, kasi nagwo-work siya, kaya bihira niya akong madalaw o mapasyalan man lang sa aming bahay. Dati ang pangako niya sa akin once a week ay pupunta siya sa bahay, pero ang nangyayari sa ngayon minsan na lang siya sa isang buwan kung dumalaw at ang laging dahilan, busy daw siya sa work.

3. Totoo kayang busy siya sa kanyang work o baka naman hindi niya lang ako talaga mahal? Compatible kaya kami ng lalaking ito at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat na akong makipag-break sa kanya, at maghanap nalang ako ng ibang mamahalin na may time para sa aming relasyon? September 16, 1990 ang birthday ko at February 12, 1989 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,
Jean ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi kayo compatible ng kasalukuyan mong boyfriend, dahil ang Aquarius ay may elementong air o hangin, na hindi tugma sa elementong earth o lupa ng isang Virgo.
Sa halip ang lalaking magiging tunay na boyfriend mo hanggang sa makatuluyan ay isang Capricorn.
Numerology:

Ang birthday date mong 16 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo sa larangan ng pag-ibig, tiyak ang magaganap, matapos kayong magka-break ng kasalukuyang boyfriend mo, isang lalaki na may birth date na 5, 14 o kaya’y 23 ang darating, siya ang tunay na ka-compatible mo at makakasama habang buhay.
Huling payo at paalala:

Jean ayon sa iyong kapalaran, tama lang na kalimutan mo na at makipag-break ka na sa kasalukuyan mong boyfriend na walang panahon sa iyo. Dahil pagkatapos ninyong magkalayo, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Mayo sa edad mong 24 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang darating – siya ang magiging ikalawang boyfriend mo, mayaman, mabait at aarugain ka nya talaga, upang pagkatapos tuluyan na kayong magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang-habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending