Heart, Chiz isasabay ang honeymoon sa Holy Week | Bandera

Heart, Chiz isasabay ang honeymoon sa Holy Week

Ervin Santiago |March 30,2015
facebook
share this

Heart, Chiz isasabay ang honeymoon sa Holy Week

Ervin Santiago - March 30, 2015 - 02:00 AM

chiz escudero

SASAMANTALAHIN nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang Holy Week para sa kanilang honeymoon. Pupunta sa Japan ang mag-asawa para doon magbakasyon ng ilang araw.

Excited na si Heart sa paglabas nila ng bansa ni Chiz, ito raw kasi ang magsisilbing honeymoon nila dahil nga pagkatapos ng kasal nila noong Feb. 15 sa Balesin Island ay hindi na sila nabigyan ng chance na makapag-abroad dahil bumalik agad sa trabaho ang senador.

“Ang swerte nga namin dahil kahit paano nabigyan kami ng time this Holy Week season at makakaalis kami ng bansa for a short vacation. We’re going to Japan.

“So, yun lang siguro yung mini-honeymoon namin dahil we have no time nga. He has no time rin dahil ang dami nilang work ngayon sa Senate. Pero ok lang ‘yan. So yun ang gagawin namin.

Kakain kami ng marami,” kuwento ni Heart. Silang dalawa lang ni Chiz ang aalis ngayong Holy Week, hindi na raw sasama ang kambal na anak ng senador na sina Joaquin at Ma. Cecilia.

Nangako naman ang Kapuso actress na hindi siya masyadong magsa-shopping sa Japan, lagi raw kasing ipinaaalala ng asawa niya ang pagtitipid at paggastos nang tama.

Alam naman daw ng lahat na medyo istrikto si Chiz pagdating sa pera.Nang tinanong kung anong favorite shopping place niya sa Japan, “Sa Ginza talaga kasi maraming fashion stores doon.

Pero with Chiz there baka hindi ako makatakas. Just going around, we’ll see the cherry blossoms kasi season siya ngayon, so I’m just very excited to take photos.”

Nilinaw naman ni Heart ang mga tsismis na hindi raw niya kasundo ang mga anak ni Chiz, sa katunayan, talagang nagba-bonding sila ng mga bagets kapag may chance.

“We’re very okay. It’s effortless naman. These kids naman are very easy to please. Hindi sila mahirap mahalin at pasayanin. Sobrang madali silang pakisamahan,” chika pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending