Zayn Malik ipinagpalit ang pera, kasikatan para sa katahimikan | Bandera

Zayn Malik ipinagpalit ang pera, kasikatan para sa katahimikan

Jobert Sucaldito |March 29,2015
facebook
share this

Zayn Malik ipinagpalit ang pera, kasikatan para sa katahimikan

Jobert Sucaldito - March 29, 2015 - 02:02 PM

zayn malik
NAGSIMULA lang sa hindi niya pagdalo sa concert ng One Direction sa Pilipinas dala ng away nila ng girlfriend niya, itinuloy na rin ni Zayn Malik ang pagkalas sa grupo dahil gusto na niya ng tahimik na buhay.

Nagkagalit si Zayn at ang dyowa nito nang makita ng girl ang picture ng 1D member with a flirty girl sa Thailand (tama ba ako?), ito raw ang dahilan kung bakit biglang bumalik sa London si bagets kaya wala siya sa concert ng sikat na boyband dito sa Pinas.

And after that, he decided na hindi na rin dumalo sa iba pang Asian visits ng kanyang kagrupo. Now, lalong lumala dahil Zayn finally decided to quit showbiz for good na raw talaga.

Nakakaloka ang batang ito – talagang hindi niya pinanghinayangan ang kasikatang tinatamasa nila.Marami ang nalungkot at nanghinayang dahil bihira ang ganitong opportunity na dumarating sa buhay ng isang artist – ang laki pa naman daw ng kita nila.

But you know, may ganyang mga tao talaga – hindi mahalaga para sa kanila ang kasikatan at yaman – malay ninyo, dating mayaman na talaga si bagets.

Gusto na kasi niya ng normal na buhay – ayaw na niya siguro yung pinagkakaguluhan siya. At ayaw na rin niyang nagiging public ang mga nangyayari sa personal niyang buhay.

“Hindi kaya nakahithit uli ng marijuana iyan at iyon ang trip niya. Iba ang naging epekto sa kanya ng tama ng weed. Ha-hahaha! Pero naniniwala kaming sayang ang itinapon niyang chance.

Malayu-layo na rin ang narating ng kanilang grupo and we believe na mas marami pang pwedeng mangyari sa career nila. Sana hindi niya ito pagsisihan habambuhay,” anang isang Pinoy fan nila. Well…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending