Mikael Daez sinuwerte sa GMA kahit walang kabit na beki | Bandera

Mikael Daez sinuwerte sa GMA kahit walang kabit na beki

Alex Brosas |March 29,2015
facebook
share this

Mikael Daez sinuwerte sa GMA kahit walang kabit na beki

Alex Brosas - March 29, 2015 - 02:00 AM

mikael daez
Starlets Mikael Daez and Andrea Torres are teaming up again.

Yes, magkasama sila sa isang soap opera. Ang nakakaloka, sa Cambodia pa raw ang taping nila for 20 days. Kapipirma lang ni Mikael ng bagong kontrata sa Siyete and bongga kaagad ang kanyang pagbabalik sa soap, ha.

Imagine, sa Cambodia pa ang taping nila. What has he done to deserve this? Mukhang wala. Mukhang wala namang nag-aalagang beki sa kanya sa Siyete.

Baka naman he truly deserves it lalo pa’t merong void ng leading men sa Siyete. Si Dingdong Dantes kasi ay malapit na ring mawala.

Si Christian Bautista ay hindi naman magaling umarte. Si Derrick Monasterio ay medyo bata pa at wala pang angas. Si Jake Vargas ay pawala na rin ang kinang.

Si Mark Herras ay tatay na. Si Gabby Eigenmann ay hindi naman talaga pang-leading man. Si Ruru Madrid ay wala pang potential. Si Aljur Abrenica ay La Ocean Deep na rin. Si Andre Paras ay masyubis.

Si Elmo Magalona ay nawalan na rin ng kinang ang bituin nang buwagin ang love team kay Julie Ann San Jose. Sina Rocco Nacino, Jeric Gonzales, Mike Tan, Miguel Tanfelix ay commoner na commoner ang looks.

So there. Kayo na ang bahalang humusga kung may ‘K’ sila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending