Ano ang tunay na relasyon nina Rey Pamaran at Andrew Wolff? | Bandera

Ano ang tunay na relasyon nina Rey Pamaran at Andrew Wolff?

Jobert Sucaldito |March 24,2015
facebook
share this

Ano ang tunay na relasyon nina Rey Pamaran at Andrew Wolff?

Jobert Sucaldito - March 24, 2015 - 02:00 AM

andrew wolff
ABOT-LANGIT ang pagtatanggol ni Andrew Wolff sa tinatawag niyang “BOSS” named Rey Pamaran sa social media and he even said na wala siyang pakialam kung i-unfollow siya ng kanyang bashers dahil ang katotohanan lang daw ang sinasabi niya.

Napag-alaman naming very rich pala itong si Rey Pamaran dahil nasa mine business ito at kamag-anak raw ng ilang pulitiko sa Pagadian City. Palagi raw itong nag-i-sponsor sa mga basketball teams sa mga unibersidad sa Manila at kagagaling lang sa New York with a former athlete turned model named Adryan Hanson, ayon sa aking sources.

Very generous daw ito – kaya raw siguro ganoon na lang kung ipagtanggol ng kaniyang “ka-date” na si Andrew Wolff.
“Natatakot siguro si Andrew na hindi alagaan nitong mayamang si Rey at hindi bigyan ng kabuhayan showcase.

Mayaman kaya si Rey Pamaran kaya ganoon na lang kung ipagtanggol ng walang-bayag na Andrew Wolff. Kung natatandaan niyo pa, kahit girlfriend niyan in the past ay sinasaktan niya tuwing nalalasing at parang may na-take pang something.

“Nasa news iyang Andrew na iyan palagi noon, puro negative. Nalasing at nagwala, nakipag-away at nakulong. Kaya paano mo paniniwalaan ang mga sinabi niya against Melissa Mendez na napakahinhin at soft-spoken?

“Nakakatawa itong si Rey Pamaran. Nag-post sa FB niya about his thoughts on the issue. Masyado na raw nakakaladkad ang malinis na pangalan niya sa media dala ng mali-maling akusasyan ni Melissa about what happened.

Kaya meron siyang demand from the actress – two choices lang to get off the hook sa legal cases na isasampa niya against her – he deserves daw public apology dahil kung hindi, kakasuhan niya ito.

“Kasi nga may pera nga naman siya kaya puwede siyang magbayad siguro ng hustisya echos dahil nasira raw ang name niya. My gosh! Ang kukunin niyang star witness ay ang favorite athlete/model niya ngayong si Andrew Wolff? Wow ha! Big time!” sabi pa ng source ko.

Sabi ni Andrew, they decided daw na huwag nang magpainterbyu sa press. Tama lang ang desisyon nila dahil magmumukha lang silang mga bobo pag ginawa nila ‘yan dahil ang kalaban nilang dalawa ni Rey ay isang mahinhing babae na ang tanging kasalanan lang ay ang pag-upo sa hindi niya designated seat before the flight.

Nagkasagutan daw sina Melissa at ang mataray na si Rey Pamaran at nanakot pa raw si Rey na hahambalusin niya ng bag ang mukha ng aktres. Hindi pa nakuntento, nagbanta pa raw itong ihuhulog niya sa eroplano si Melissa once makarating sila sa Pagadian. It could have been worse, di ba?

Mukhang capable ngang gawin daw ni Rey Pamaran iyon dahil taga-Pagadian siya and he belongs to an affluent family at pag meron siyang ginawang kabalbalan against Melissa ay puwede niyang baligtarin ang istorya dahil tagaroon nga siya at hawak nila ang mga tao.

I can imagine how humiliated Melissa was nu’ng pinababa siya ng eroplano. At siya pa itong pinagalitan ng piloto without finding out first what truly happened.

Yes, nasaktan nga ang flight attendants dahil sa pag-awat kina Rey Pamaran at Melissa pero hindi ‘yun sinadya ng aktres. And gosh, nakuhanan talaga ni Andrew ng video iyon at in-upload agad sa Instagram niya with matching caption na nagwawala raw si Melissa.

Marami ang nagtatanong ngayon – magkaanu-ano raw ba sina Rey Pamaran at Andrew Wolff dahil kung makatawag ito ng BOSS kay Rey ay wagas na wagas? Is he an employee of Rey sa kaniyang mining firm? Is he Rey’s treasurer or secretary or accountant?

“Ha-hahaha! Para naman kayong bago nang bago kay Andrew Wolff. Kung saan may pera nandoon iyan. Ang may pera ang BOSS niya. Ano naman kasi ang puwede niyang pagkitaan? Wala naman siyang trabaho sa showbiz na sinubukan niyang pasukin before pa.

After niyang manalo as 1st runner-up sa nakaraang Mr. World, anong naging kabuhayan niya? Natural, nagpataas-presyo lang iyan as a model, athlete, etcetera. Natural na kakapit siya kay Papa Rey Pamaran dahil madahtung ito.

Malay mo, for life siyang kakaibiganin ni Papa Rey, di ba? Sure na siya sa kabuhayan niya,” sey ng friend natin. Isa sa mga nakasama nila sa biyahe that day ay ang magaling na singer na si Ms. Malu Barry and she is willing to talk now.

Naawa raw siya kay Melissa sa mga pangyayaring ito. “Tama lahat ng sinabi ni Melissa except for one, hindi lang sina Rey at Andrew ang nagbayad sa front row na iyon – pati yung sa akin bayad iyon.

Ganoon kasi sa airlines, pag nag-request ka ng seat na merong leg space, babayaran mo talaga iyon. Mali kung mali man si Melissa sa pag-occupy ng seat ni Rey Pamaran pero nagpa-cute lang naman si Meli na baka puwede siyang maupo roon pero iyon nga, napasama pa siya,” kuwento ni Malu.

“Yung tungkol naman sa sinaktan daw ni Melissa ang mga stewardess, hindi naman niya sadya. Natamaan lang sila dahil sa pag-awat. My daughter is also a flight attendant ng Cebu Pacific kaya my heart goes with the flight attendants.

Kung sinampal halimbawa ni Melissa ang stewardess na alam ko namang walang kasalanan, baka ako na mismo ang sumampal din kay Melissa.

Kaso hindi naman nangyari ang ganoon. Naaawa lang ako sa kaibigan ko. Grabe yung ginawa sa kanya,” sabi pa ni Ms. Malu Barry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung saan patutungo ang isyung ito, hindi natin alam. Basta kami, tataya kami para kay Melissa. Nakita namin kasing mas dehado ng one million percent ang aktres sa pangyayaring ito, siya ang tunay na biktima rito ng matataray na bruskong mga lalaki! Ha-hahaha! Very funny talaga, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending