Superhero movie nina Vice, Daniel at Kathryn tuloy na | Bandera

Superhero movie nina Vice, Daniel at Kathryn tuloy na

Julie Bonifacio |March 18,2015
facebook
share this

Superhero movie nina Vice, Daniel at Kathryn tuloy na

Julie Bonifacio - March 18, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

TAPOS na ang kontrata ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa ABS-CBN. Kaya libreng-libre na talaga siya to negotiate sa ibang networks na interesadong kunin siya.

We heard ang kanyang contract naman sa Star Cinema ay supposed-to-be magtatapos sa darating na July. May plano pa naman sana si Direk Wenn Deramas na gawan siya ng movie for Viva Films.

Pero nalaman ni Direk Wenn na until July pa ang kontrata ni Ai Ai sa Star Cinema. Noong huli naming nakausap si Direk Wenn sabi niya, wala pa siyang alam kung true na hindi na matutuloy ang “Ang Tanging Ina The Reunion” sa Star Cinema.

Ang alam niya after ng MMFF last year ay uumpisahan na niya agad ang Ai Ai project na intended for May, 2015 release.
“Tapos noong nawala ‘yun nag-meeting kami ni Boss Vic del Rosario.

Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong gawin. Sabi ko, gusto ko ng isang Ai Ai this year. Tapos may binato ako sa kanya na dalawang kwento, pareho niyang nagustuhan.

Kaso nalaman ko hanggang July pa ang kontrata na exclusive sa Star Cinema,” sabi sa amin ni Direk Wenn.May balitang lilipat na rin ng ibang network si Ai Ai (ang chika sa GMA raw), ang reaksiyon dito ni direk Wenn, “Syempre nalulungkot ako kung totoo.

Kasi isa siya sa mga pigil nang pigil sa akin dati noong may chance ako na lumipat. Tapos ngayon, nauna pa yata siya. Bruhang ‘yan! Ha-hahaha!”

“Ako naman, magtatapos na rin ang contract ko. Hanggang July na lang ang TV contract ko. Non-exclusive kasi ako sa Star Cinema at sa Viva. So, ang kailangan ko’ng matapos ang number of movies, hindi ‘yung time.

Maganda rin ‘yun para hindi ka ngaragan na kailangan mo’ng tapusin ‘yung kontrata. Kumbaga, sarili ko ang pacing pagdating sa paggawa ko ng pelikula.”

Dahil hanggang July na lang ang kontrata ni Direk Wenn sa ABS-CBN, unless i-renew siya, baka ang kasalukuyang teleserye niya ngayon na Flordeliza ang huling show niya bago mag-July.

Naka-peg na raw ngayon ang apat na pelikula na gagawin niya this year. Una na ang movie project niya sa Star Cinema titled “Aswang” na pagbibidahan ni Pokwang.

Meron din daw dapat siyang movie na si Jennylyn Mercado ang bida. Pero tinanggihan na niya dahil hindi raw niya kayang gawin ang movie.

“May pagkaseksi na bold kasi ‘yung kay Jennylyn. Sex-comedy bale ‘yung movie. Hindi pa ako, hindi handa ang aking virgin mind para sa ganyang project. Huwag na nating i-elaborate kasi may iba nang gagawa na director,” aniya pa.

Then, may Claudine Barretto movie siya na isang romantic-comedy. Pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang makakasama ni Claudine. Noon pa naman niya sinasabi kay Claudine nu’ng kainitan ng kontrobersya sa buhay niya na tigilan na ang mga asunto sa buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko sa kanya, ‘Artista ka, umarte ka. ‘Yan ang dapat mong gawin. Bitawan mo na ang mga kaso, hindi mo kailangan ‘yan.’ Parang ‘yan ‘yung sinabi ko sa kanya. At ang laki nang ipinayat (ni Claudine).

Ang dalawa pa sa apat na movie niya this year ay pagbibidahan ni Vice Ganda, ang isa ay yung pagsasamahan nila ni Coco Martin and the other one is with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo kung saan gaganap silang mga superhero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending