Singer-actress dyowa pa rin ng tomador na Cabinet official | Bandera

Singer-actress dyowa pa rin ng tomador na Cabinet official

|March 13,2015
facebook
share this

Singer-actress dyowa pa rin ng tomador na Cabinet official

- March 13, 2015 - 06:52 PM

DA who itong singer-actress na ito na hindi pa rin pala natatapos ang relasyon sa isang opisyal na sobrang close kay Pangulong Noynoy Aquino?

Matagal nang usap-usapan ang relasyon nina singer-actress  at ni government official na nag-oopisina sa Palasyo ng Malacanang.

Pinaka-latest daw na public appearance ng dalawa ay noong dumalaw si Pope Francis sa Leyte para makadaupang-palad ang mga biktima ng bagyong Yolanda, noong Enero.

Natatandaan ba ninyo na noong araw na bumisita si Pope si Visayas, may  sumadsad na eroplano sa Tacloban airport na ang mga sakay ay pawang mga government officials at kanilang entourage.

Sa loob ng eroplano, kasama ni Secretary ang kanyang secret celebrity dyowa na parehong nagtamo ng slight injury dahil sa pagsadsad ng eroplano.  Pero hindi na raw nagpadala sa ospital dahil mabibisto silang dalawa.

Clue?  Ang singer ay may anak na pero sa ibang lalaki na hindi rin naman taga showbiz; at ang government official ay una na ring na-blind item noon na halos gumapang sa isang hotel dahil sa sobrang kalasingan, aty gaya ni PNoy ay mala “tambutso” rin kung manigarilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending