Lea masakit magsalita, walang preno ang bunganga | Bandera

Lea masakit magsalita, walang preno ang bunganga

Ambet Nabus |March 07,2015
facebook
share this

Lea masakit magsalita, walang preno ang bunganga

Ambet Nabus - March 07, 2015 - 02:00 AM

lea salonga
Maraming netizens ang nairita at naloka sa isang post ni Lea Salonga hinggil sa pagkakapanalo ni Jason Dy sa The Voice  season 2.

Bukod kasi na lumabas itong insensitive at unprofessional eh, para raw hindi nag-iisip as a coach itong magaling na mentor ng The Voice.

Ang tsika kasi kapatid na Ervin, after manalo ni Jason over Alisah, nag-post nga ito na mas preferred niyang winner si Jason (ng team Sarah) dahil aniya, “obvious ba?”

Noon nga umapaw ang pang-aaway laban sa kanya dahil parang ni hindi man lang daw nito inisip ang feeling ng kapwa coach niyang si Apl (coach ni Alisah), plus nagsa-sour graping daw ba ito dahil ang panlaban niyang si Leah Patricio (na bet din namin sa totoo lang) ay third placer lang?

Then nag-explain si Lea na, “I was speaking of my expression. I was exuberant,” sabay hirit pang, “meaning, let it be about talent. Period.”

Sa aming obserbasyon nga ay grabeng involved at active sa social media si Lea Salonga. At siya yung tipong sasagot talaga kapag napipintasan o napulaan. PATOLA nga ang tawag natin sa kanya di ba kapatid na Ervin?

Pero mukha ngang hindi naisip ni Lea na posibleng pagmulan ng grabeng intriga ang kanyang sariling opinyon lalo pa’t sa kontes na nasabi ay iniaanunsyo nilang of equal bearing ang lahat ng pumasok sa top 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending