HOROSCOPE, March 07, 2015 | Bandera

HOROSCOPE, March 07, 2015

Madam Sophia |March 07,2015
facebook
share this

HOROSCOPE, March 07, 2015

Madam Sophia - March 07, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unahin ang pagsisimba at pagkatapo nito magugulat ka, isang nilalang na may kayumangging kulay ng balat ang magbibigay sayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngitian ang kasuyo upang agad mapapawi ang kanyang problema. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)- Sa pagdedesisyon, sa mas maaga pagpapaysa, mas malaking salapi ang makukuha. Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo ang petsa ng binabalak na pagswi-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Upang pumasok ang maraming pera, tandaang bawal magalit. Sa pag-ibig, sa pagiging mahinahon mananatli ang isang maunlad at masarap na relasyon. Tandaang “love” ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Taurus. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Magtiwala sa kaibigang Capricorn, sa pamamagitan nya titiba kayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan ang ng hindi maganda ang kasuyo, upang hindi masayang ang masayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om-Purana-Om.” Gray at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)- Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran. Pagpasaok ng unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo, kusa ng darating ang mga oportyunidad na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, inip ng naghihintay ang isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tetra-Malikha-Om.” Green at silver ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Sa maling desisyon mauubos ang pera. Bago magpautang sa isang kakilala, isipin muna ng 10 beses. Sa pag-ibig, hanggat hindi napapanatag ang puso, walang permanenteng ligayahang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Tulad ng dati hindi mo napapansin, madalas kang magka-pera pero madali namang maubos. Magtipid! Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati at lalong iinit ang romansa. Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato! Sa pag-ibig, wag basta-basta magtampo sa kasuyo. Sa pinansyal, kung hindi ka pinautang wag magdamdam, lumapit sa isang kaibigang mas mapera. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Wag masyadong malihim, ibunyag ang nilalaman ng puso bago maunahan ng iba. Subalit sa aspetong pang-pinansyal, ilihim sa kasuyo ang mga naiipon mong pera upang ito ay lalo pang dumami. Malad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong! Naramdaman nya kasi na marami kang pera! Tama ang iniisip mo, pagtaguan mo siya! Sa pag-ibig, ngayon palang paglaanan na nang budget ang summer vacation ng hindi naman magmukhang kaawa-awa ang pamilya. Nagswi-swimming na ang iba, samatalang kayo ay “nganga”. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Hangga’t kaya pa, magpasensiya at magtiis! Sa pinansiyal, tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng araw! Sa pag-ibig, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang hindi na siya muling magtampo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Green at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – May sopresang naghihitay! Muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nagaapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na pera. Mapalad ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Ananda-Marga.” Pink at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan. Sa nalalapit na Mahal na Araw lihim kang dumalaw sa mga charitable institutions at magbigay ng konting donasyon. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng kapalaran. Mapalad ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending